Aligagang nag-ayos ako ng sarili para maghanda sa pag-alis naming dalawa ni Calvin.
Kinatok ako kanina ng isang katulong na inutusan niya para lamang sabihin na maghanda na raw ako sa aming pag-alis.
Ilan buwan na rin ang lumipas mula ng dalhin ako rito ni Calvin sa kaniyang pamamahay. Hindi ako lumalabas upang maiwasan siyang makita ngunit kahit ano’ng gawin kong pag-iwas ay talagang inaadyang magkaharap kaming dalawa dahil na rin sa mga lakad niya.
Ang mga lakad niyang hindi na bago sa ‘kin dahil parte na ng mga gawain ko bilang kaniyang bilanggo. Ang pagdalo-dalo sa walang katapusang mga okasyon ay parte na ng kaniyang buhay pati na ng buhay ko.
Ako na lang ang mananawa!
Kilala bilang magaling at malupit na negosyante si Calvin bukod pa sa siya rin ang pinakabata sa kaniyang mga kalaban.
Napatunayan ko na rin naman iyon sa mga pagkakataong nakakasama niya ako. Panay papuri at magagandang salita ang naririnig kong sinasabi ng ibang tao para sa kaniya.
Calvin Villaforte is also known as a kind and loving lover to me. But they don't know that behind of it, is a cruel personality of him.
Ang mga kababaihang inggit na inggit sa ‘kin ay palaging bukambibig ang salitang ‘mapalad ako!’
Mapalad dahil si Calvin ang naging kasintahan ko. Pero, kung alam lang nila siguro ang totoong sitwasyon ko sa piling niya, baka masabi rin nilang hindi pala ako totoong mapalad tulad ng kanilang mga inaakala.
Pinagmasdan ko ang sarili sa harap ng salamin. Maganda, kaakit-akit at may maamong mukha ang itsurang nasisilayan ko mula roon.
Kung sa ibang pagkakataon ko lamang marahil nakilala si Calvin ay tiyak na magugustuhan ko siya at masasabing bagay kaming dalawa.
Bukod sa kagandahang anyo na taglay naming dalawa ay mayroon kaming pagkakatulad. Pareho kaming walang hilig sa pakikipag-usap sa ibang tao pero napipilitang gawin. Pareho rin kaming mahilig magmukmok dahil sa sandaling makauwi na kami ay kapwa na kami magkukulong sa loob ng aming mga silid.
Naipilig ko ang ulo nang maisip ang sitwasyon sa piling ng binata. Kung minsan naiisip ko na parang hindi rin ako isang bilanggo rito. Pero hindi rin naman ako malayang lumabas-labas sa pamamahay na ‘to kaya parang bilanggo rin talaga. Magulo ‘di ba!
“Ma’am Mia, ipinatatawag na po kayo ni Sir Calvin!” untag sa ‘kin ng tinig ng kasambahay mula sa likurang bahagi ng pinto.
“Lalabas na ako!” tugon ko sa kasambahay.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harap ng vanity table at saka kinuha ang maliit na pouch na nakapatong sa may ibabaw ng cabinet.
Nang dumating ako sa bahay na ‘to ay kumpleto na halos ang mga kagamitan para sa ‘kin. Pawang mga akma ang sukat niyon sa katawan ko at tila ba pinaghandaang talaga ang pananatili ko rito.
Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa may harap ng salamin upang siguruhing maayos ang aking anyo.
“Come on, Mia. Makakaya mong labanan si Calvin!” Pagpapalakas loob ko sa’king sarili.
Naglakad ako palapit sa may pinto at saka binuksan iyon. Pinatay ko muna ang switch ng ilaw bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Takot na takot akong makisalamuha sa mga tao ngunit ng dahil kay Calvin ay natutunan kong makihalubilo ng wala man lang pag-iimbot at nagagawa ko pang mag-alay ng ngiti.
At dahil sa nag-iisa lang naman ako sa pamamahay na ‘to, walang ibang taong maaaring maging kakampi ko. Wala rin naman akong ibang mapagpipilian kundi ang harapin ng paunti-unti ang aking takot.
Kahit naman kasi anong gawin kong dasal ay wala rin akong ibang taong makakaramay sa paggapi kay Calvin maliban sa aking sarili.
Nagsimula na akong humakbang upang magtungo sa may library kung saan ang madalas na destinasyon ni Calvin.
Doon siya madalas maglagi at doon rin niya ako hinihintay sa tuwing may mga pupuntahan kaming okasyon.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ng library ay kumatok pa muna ako upang ipaalam sa taong nasa loob na narito na ako sa may labasan.
Narinig ko ang pag-click ng doorknob tanda na may nagbukas niyon.
“Come in!” Malamig na tinig ni Calvin ang narinig kong nagsalita.
Sumunod ako sa kaniyang sinabi at
hindi ko ipinahalata ang panginginig ng mga tuhod ko.
The moment I stepped inside the library, I knew he stared at me. His distance was far away from me, but his scent permeated the air. It's easily make its way, tickling my nose and making me long for more.
Nagtama ang mga paningin namin at halos pigilan ko ang sariling lumapit sa kaniya.
Habang tumatagal ang pananatili ko rito ay may kakaibang damdaming sumisibol sa kaibuturan ng puso ko na laan para sa kaniya.
Hindi ko na tuloy malaman kung ano ang nangyayari sa ‘kin. May bahagi ng puso ko ang nagugulo at kung minsan pa nga ay parang gusto ko nang sagutin ang alok niyang kasal ng dahil lamang sa malambing na pakikitungo niya.
Ngunit ang isipan ko ay patuloy na tumatanggi dahil sa binabalintataw niyon ay isang halimaw si Calvin na nagbabalatkayo bilang tao.
Para tuloy akong si Belle na dakilang bilanggo ni Beast na sa umpisa ay galit na galit ngunit kalaunan nama’y tuluyan nang na-inlove.
“One day, I just have to survive from this hell and I need to get out on my own.” I made that promise to myself.
Pangakong hanggang ngayon ay wala pa rin akong naisasakatuparan ni isa man na hakbang dahil sa patuloy lamang akong nanatiling bilanggo sa piling ni Calvin.
Pilitin ko man kasing tumakas ay parati pa rin akong nahuhuli ng binata at aminin ko man o hindi ay talagang nakakatakot ang kaniyang mga parusang ipinapataw.
“Masyadong malalim ang iyong mga iniisip." Tinig ni Calvin ang pumukaw sa malalim kong pag-iisip.
Napakurap-kurap ako sa mga mata ko nang marinig ang malamig niyang tinig na humaplos sa ‘king puso.
“Kung sa palagay mo ay magkakaroon ka na ng pagkakataong makatakas... I'm sorry pero nagkakamali ka ng akala, Mia. Hindi ka na makakaalis pa rito dahil habang-buhay ka nang mananatili sa tabi ko!” matigas niyang wika.
Napabuntonghininga na lamang ako sa kaniyang winika at piniling humakbang ng tahimik palapit sa kinauupuan niya.
Kinuha ko ang hawak niyang baso na may lamang alak at sinikap kong huwag iparamdam sa kaniya ang nadarama kong panginginig.
“Umalis na tayo at nang makauwi na rin agad tayo. Gusto ko sanang magpahinga ng maaga,” ani ko sa kaniya.
Mataman niya akong pinagmasdan na para bang inaaral ang lahat sa ‘kin. ‘Di ko batid kung ano ang kaniyang iniisip, ngunit nakadarama ako nang pagtayo ng mga balahibo ko sa katawan.
Aatras na sana ako papalayo sa kaniya nang maagap niyang hawakan ang isang kamay ko dahilan para mawalan ako ng balanse sa pagkakatayo.
Mabilis niyang nahila ang katawan ko at namalayan ko na lamang na nakaupo na ako sa ibabaw ng kaniyang kandungan.
“Calvin!” nandidilat ang mga matang bulalas ko.
Our gazes locked, both of us breathing heavily. Our bodies were pressed tightly together, and his hands gently touched on the back of my body, sending waves of sensations through me.
“Mia,” he whispered and gently touched my face with his right hand.
Napalunok ako ng laway dahil sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa’t isa. Ang mainit niyang hiningang dumadampi sa’king pisngi ay may dulot na kilabot sa buo kong katawan.
Kilabot na umaabot na sa may pagitan ng mga hita ko, na ngayon ay nakaupo sa ibabaw ng kandungan ni Calvin.
Damang-dama ko ang namumukol na bagay mula sa kinauupuan kong bahagi ng kaniyang katawan at hindi ko maiwasang mag-init.
He leaned closer to me, and his lips hovering just above mine. Our breaths mingling, my self-control waning.
Pagsinghap na lamang ang sumunod na nagawa ko nang sakupin niya ang buo kong labi.
Sabik at mainit na gumalugad sa loob ng bibig ko ang kaniyang dila na animo ay ngayon lamang ako nahalikan niyon.
Maraming beses niya nang inangkin ang labi ko sa harap ng maraming tao kung kaya hindi na bago sa ‘kin ang kaniyang paghalik.
Ngunit kakaiba ang halik na isinasagawa niya sa ‘kin sa ngayon dahil para iyong may mahika na hindi ko magawang tanggihan kahit pa nga nanunulak ang mga palad ko sa kaniyang dibdib.
Para lang din naman kasi iyong tulak ng isang pabebeng babae na kunwari ay ayaw ngunit ang totoo naman ay gustong-gusto!
“If you can’t stop me, I will make you mine...” usal niya sa likod ng aking tainga.
Ilang ulit akong napalunok ng laway at saka pilit inapuhap sa sariling isipan ang dapat gawin.
Malulutong na mura ang pinakawalan ni Calvin nang marinig namin ang pag-iingay ng kaniyang telepono.
Nagbalik sa reyalidad ang kaisipan ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan.
Matiim ang mga matang tumitig siya sa aking mukha at saka dinampian ako ng halik sa noo. Maingat niyang binuhat ang katawan kong walang lakas dahil sa mga pangyayaring nagdudulot ng matinding emosyon sa akin.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa bigla akong nakadama ng hiya na salubungin ang kaniyang mga titig.
“Aalis na tayo sa loob ng limang minuto,” wika niya sabay patak muli ng halik sa aking noo.
Hindi ako tumugon at ‘di na rin ako nag-abala pang sagutin siya sapagkat wala akong mukhang maiharap dahil sa nangyari sa pagitan naming dalawa.
Idinilat ko ang mga matang nakapikit saka pilit tumayo mula sa ibabaw ng kaniyang kandungan kahit pa nga
nanginginig ang mga kalamnan ko.
Hindi na ako napigilan pa ni Calvin sa aking ginawa dahil itinuro ko na sa kaniya ang teleponong patuloy na nag-iingay.
Nang sagutin niya iyon ay siya ko namang paglabas ng library at saka dire-diretsong tinahak ang daan patungo sa may garahe kung saan nakaparada ang kaniyang sasakyan.
Mainam ng sa sasakyan ko na siya hintayin kaysa ang manatili pa sa loob ng library.
Hindi ko tiyak kung makakaya ko pang maging matigas sa harapan ni Calvin gayong muntik na akong bumigay sa kaniya kanina.
Dalangin ko na lamang na makagawa ng paraan upang makatakas at makaalis na sa puder ni Calvin bago pa ako tuluyang mahulog sa kaniyang karisma.