PRINCE's POV “Anong nangyari sa anak ko!” Panay ang iyak ni tita Fionna habang yakap-yakap ang malamig na bangkay ng anak niya na nakahiga sa isa sa mga kwarto dito sa mansion. “Fiolee anak! Huhuhu.” niyuyogyog niya si Fiolee na parang magigising pa ‘to. Puno nang kagat, pasa at sugat ang katawan niya. Basag ang buto niya sa tuhod at walang mga kuko ang bawat daliri niya sa paa at kamay. Sobrang hirap na makita siya sa sitwasyon na ‘to. If only I have a time machine to save her, I will back to that time. I will. . Pero wala na, isa na lang siyang malamig na bangkay, ‘yung prinsesa ko wala na. . Unti-unti na namang tumutulo ang mga luha ko at hindi ko na mapigilan ang mga ‘to. Ayos lang sa’kin kung si Marshall ang mahal niya at hindi ako. Pero sana kasama ko pa rin siya dito. Hindi ko

