MARSHALL's POV "Marshall.” kilala ko ang boses na ‘yun ah. Nilingon ko ang likod ko at nakita ko si Fiolee, suot ang kukay pula niyang damit nung seniors night namin, ‘yung ayos niya ay ganun pa rin. Maganda pa rin siya. “Fiolee.” naglakad ako papalapit sa kaniya, inilahad niya ang mga kamay niya para abutin ko pero parang ang layo-layo ng mga ito at hindi ko magawang maabot. “Fiolee.” ngumiti siya sa’kin at iniintay niyang mahawakan ko ang kamay niya pero tumatakbo na ko para maabot ‘to ngunit parang palayo siya ng palayo. Natataranta na ko at kinakabahan, naging kulay pula ang kulay puting kwarto at unti-unting nilamon ang liwanag. “Fiolee!” Sigaw ko at paghahabol sa kamay niya ngunit paunti unti na siyang naglalaho sa pulang kwarto na ‘to na walang katapusan. “Fiolee!” “Marshall

