FIOLEE's POV Sabado ngayon at kakatapos ko lang maglinis ng bahay, nakakapagod pero pag nakita mo na ‘yung bahay at kwarto mong malinis, bawi din naman ang pagod mo ‘di ba? "Ay nak nabayaran mo na ‘yung graduation fee mo?” sabi ni mama habang hiniwa ‘yung mga gulay. "Opo ma nabayaran ko na po" “‘Di ba binigyan kita ng pang bayad mo sa Seniors night niyo? Nabayaran mo na rin ba?” Tumango ako saka siya ngumiti. “Mamaya aalis tayo para mag arkila ng gown mo ah, ano bang napag-usapan niyo ng kadate mo? Anong kulay daw?” May ganun pa ba? Kailangan same kayo ng date mo? “Wala pa nga akong date ma eh, kahit ano na lang ma.” Na tawa-tawa siya. “Sige tawagan ko na lang si Marshall o kaya si Prince?” ‘Yan na naman si mama nakakaloka. Simula kasi nung nag paalam ‘yung dalawang na kung pwede ba

