[Alexcia's P.O.V.]
"Good Morning, my twin!!!"
"f**k! What are you doing here, Alex?!" sigaw ko. Bwiset kasi e. Sumigaw-sigaw pa ang aga-aga.
"Sssshhhh, natutulog pa sila Jess." Sumenyas si Alex na wag maingay sabay lapat ng hintuturo niya sa bibig ko.
"Sound proof ang dorm ng lahat, Alex." Sarkastiko na sabi ko sabay higa ulit at niyakap ko si Kookie. Wala lang, gusto ko lang tawagin na Kookie ang teddy bear ko. Hindi kasi ako nakakatulog nang walang kayakap na stuffed toys.
"My twin, tumayo ka na d'yan. I prepared breakfast for the girls here!" Agad akong napatayo at nginitian siya.
"Pati kay MEGAN?" pang-aasar ko. Nag-iba bigla ang expression ng mukha niya. Naiinis na naman siya basta binabanggit si Megan. And yes, marunong mag-luto si Alex, daig pa nga niya ako e.
"Hindi. Asa pa siya," pokerface na sagot niya.
"But you said for all the girls here," sabi ko pa habang nagpapa-cute.
"Fine. Oo na, pati siya. Kawawa naman kung kayo kumakain na tapos siya nagluluto pa lang."
I knew it! Natawa agad ako at hindi naman pusong bato itong kakambal ko. Concern pa din siya kay Megan, "Ayiiieee! Concern kay Megs!" Patuloy lang akong nangaasar sabay kiliti sa kanya.
"Ugh! Stop it my twin! Hahahhahaha!! I s-said-- hahahahah! STOP!" Tinigil ko na ang pagkiliti sa kanya dahil mukhang hindi na niya kaya. Malakas kasi ang kiliti niya.
"Wait, dito ba kayo kakain sa dorm, my twin?" Tanong ko habang nagaayos na ng pinaghigaan para makaligo na din ako at makapag-ayos para sa klase.
"Yep! Kasama na din yung isang Delvalle." Agad akong napatingin sa kanya.
"Hindi natin siya kaibigan, so bakit mo isinama?" takang tanong ko, "Hindi ako. It's Kent."
"Tsk. Bumaba ka na nga. Maliligo na ako. By the way, Good Morning my twin." Sabay kiss ko sa kanya sa pisngi at pumunta sa banyo. For sure liligaligin pa nilang gisingin sila Jess at Hailey.
Mabilis lang akong natapos sa pagligo at mag-ayos ng sarili. I don't need make up. Natural na naman na maganda ako. Pumunta na ako sa dining area at lahat sila ay naka-upo na.
"My twin! C'mon let's eat!" aya sakin ni Alex. Tumabi na ako sa kanya. Ang pwesto namin ay ganito:
Kent- Hailey- Megan- Kean
_______________________________
_______________________________
Brent- Jessica- Alex- Ako
Sa kasamaang palad, kaharap ko si Delvalle. Tsk. Makita ko lang ang mukha ni Kean, parang nawawalan na ako ng gana kumain.
"Sabi nila wag magpapa-pasok ng hindi natin kakilala. There's a stranger here,” sabi ko sabay tingin kay Delvalle na nakatingin din sakin.
"Si Kean ba? Kasi ka-dorm namin siya-"
"Yeah. Ka-dorm niyo lang, hindi niyo naman kilala. Psh," pagpuputol ko sa sinasabi ni Kent.
"Siya kaya si Kean Delvalle. So kilala natin siya," pangbabara saken ni Kent kaya sinamaan ko na agad siya ng tingin. I don't know kung ako ba talaga ang kaibigan niya o si Kean na ngayon.
"In his name, yes. But what about his personality? Tsk."
"Aalis na lang ako--"
"Bawal ang iniiwan ang pagkain," pagpuputol ko naman sa sinasabi ni Delvalle na akmang tatayo na. Napaupo naman ulit siya. Tinignan niya ako na parang sinasabi na 'Ano ba talaga ang gusto mo mananatili ako o aalis ako?' something like that.
"So Megan, how are you?" tanong ni Hailey para mawala ang tensyon sa pagitan namin ni Kean.
"I'm okay ate Cass."
"Stop calling us 'Ate' for now on, Megan. And don't call Hailey as Cass. Okay?" sabi ni Jess. Bumakas sa mukha ni Megan ang pagtataka pero hindi na nagtanong pa.
"Ow. Okay. by the way ate Lhei-- I mean Lhei, kamusta ka na po?" Binaling niya ang atensyon niya sakin kaya nginitian ko siya.
"I'm fine. Mamaya na tayo mag-usap, we are eating."
Nasanay siya na ate ang tawag niya sa'min kahit magkaka-edad lang kami. She's too childish before but I guess until now hindi pa din siya nagbabago.
After eating they decided na sabay-sabay na kaming pumunta sa room. Naglalakad kami ngayon sa may hall palabas ng dorm. Katabi ko si Alex, tapos sila Jess, Hailey, Brent at Kent naman ang nasa likod namin kasama si Megan at Kean.
Habang naglalakad kami, nakakarinig pa kami ng mga bulungan ng mga babae dito.
"Tignan mo, kasama nila yung kambal na transferee."
"Oo nga, balita ko kasi magka-dorm sila."
"E? E’di yung Kean sa boys, tapos yung Megan sa girls?"
"ano pa nga ba? Tanga mo naman sis."
"Ang gwapo talaga ni Kent at Brent!"
"Magkamukha talaga!"
"Gaga! Kambal e!"
Napapa-irap na lang ako, ang dami talagang mga tanga-tangahan sa mundo. Nang makarating na kami sa room, di pa naman kami late. May 5 minutes pa bago dumating ang prof namin. Umupo na kami sa mga upuan namin sa dulo.
Ganito pwesto namin.
Ako- Brent- Hailey- Kent- Jess
Alex- Megan- Kean
Nasa harapan namin sila Alex. Kaya kami nasa gilid ni Alex dahil malapit kami sa bintana. Gusto ko kasing tumitig lang sa labas kapag boring naman ang prof na nagtuturo. May bakanteng dalawang upuan sa row nila Alex.
"Good Morning, class,” bati ng prof namin. Nakapasok na pala siya sa room.
"Good Morning, Sir," bati ng mga kaklase namin. Kami? Hindi kami bumabati d'yan o kahit na kaninong prof. Si Megan bumati din pero si Kean hindi. Masyado kaming tamad para batiin pa sila and besides they don't give a damn.
"So class, there's a transferee here right?" Panimula ng prof, nagtaas naman ng kamay si Megan.
"I am sir, and my twin," sagot niya saka tinuro si Kean na parang walang pake sa mundo. Nakapalumbaba kasi siya tapos nakatingin sa bintana malapit kay Alex.
"Please introduce yourselves in front," utos ni prof. Tumayo si Megan at pumunta sa harap. She's really cheerful.
"Hi, I'm Megan Delvalle from Agustin University. I hope all of us can be friends.” Nakangiting pakilala niya bago bumalik sa kinauupuan niya.
"Next?"
Rinig kong binulungan ni Megan si Kean, "Introduce yourself o ipagkakalat ko ang sikreto mo? Hihi."
Biglang tumayo si Kean at pumunta sa harap na naka-busangot ang mukha. Wow, that was quick. I don't know if totoo ba yung about sa secret na ipagkakalat daw for him to believe what Megan said.
"Kean Delvalle." Pakilala niya at umupo na ulit saka lumingon kay Megan at sinamaan ng tingin. Di ba alam ni Megan na narinig namin ang nisabi niya?
Kinulbit ko si Brent na katabi ko lang.
"What?"
"Did you do a research about him?"
"Mamaya na natin pag-usapan. Baka marinig pa tayo." Ang sungit talaga nito as always. Tsk. Oo o hindi lang naman isasagot, dami pang satsat.
"Since we have transferees from other school, ngayon naman may transferees tayo from other section.” What? Sinasabi nitong prof na to? Ang dami namang nadadagdag sa klase namin. Lumabas siya at may kinausap doon. Maya-maya ay pumasok na siya with a girl in her back.
"Introduce yourself Miss Cara Dale Collin." Tinignan lang siya ng blangko nung babae, "Napakilala mo na ako, SIR. Tsk," pangbabara niya. Oo nga naman. sinabi niya na pangalan e. Sa itsura pa lang niya mahahalata mo na agad na ma-attitude siya. Mukhang may makakabarahan na si Jess dito if ever.
"Aish. Kailangan mong magtanda ha? Kaya ka nga--"
"Blah. blah. just shut your f*****g mouth, Sir. San ba ako pwedeng umupo?" asar na sabi niya. Nagdere-deretso siya papunta sa bakanteng upuan na katabi ni Kean. Pagkaupo niya, sumubsob siya sa arm chair niya.
Maya-maya lamang, may pumasok na isang lalaki. Singkit siya, maputi, gwapo, maganda a g pangangatawan, maayos ang buhok niya at kulay brown. Tapos matangos ang ilong niya, ngunit sa awra pa lang niya mukhang magka-ugali sila ni Kean.
"Introduce--"
"Laurence Guevarra." Aba! Ayos din! Hindi niya pinatapos ang sasabihin sana ng prof namin. Bahagya akong napatawa at napailing. Dere-deretso lang din siya papunta sa tabi ni Cara ba yun? Sa line kasi ng upuan nila Alex, yung dalawang upuan yun na lang yung bakante kaya doon sila umuupo.
"Magkakaroon ng arrange sits." What?! Wag niya lang subukan na pagpalitin ang mga pwesto namin dito sa likod. Nagsimula na siyang ilipat ang ibang kaklase namin ng upuan. Maya-maya lamang ay napatingin siya sa pwesto namin.
"Mr. Brent, tumayo ka d'yan," utos niya kay Brent. Pagpapalitin niya kaming lahat ng pwesto?! Ugh. Tumayo naman si Brent. Sinabihan kami na sumunod pa din sa mga sasabihin ng prof sa loob ng classroom or else lagot kami sa parents namin.
"Miss Empire. Doon ka sa upuan ni Brent."
"Tsk. I like where I am now.” Pagmamatigas ko pero mas nagmatigas ang prof namin. "Ngayon lang, kahit ito lang ang sundin mo."
I rolled my eyes. "Fine." Sabay lipat sa upuan ni Brent. Nagpatuloy siya sa pag-aayos ng pwesto namin.
"Mr. Guevarra, doon ka sa upuan ni Miss Empire dati." Tinignan niya lang yung inuupuan ko noon. Tumayo siya saka lumipat sa katabi ko.
"Miss Hailey, alis ka d'yan," agad namang sumunod si Hailey. Tumabi siya kay Brent na nakatayo pa din.
"Mister Delvalle, sa dating upuan ni Miss Hailey,” pagkasabi nun ni Prof nagsalita na ako.
"Wag mong subukan na palipatin siya dito," seryosong sabi ko at sinasamaan na ngayon ng tingin ang prof ko pero hindi siya natinag.
"It's my decision Miss Empire. Professor mo pa din naman ako. Now, Mr. Delvalle, lumipat ka na doon."
"f**k! I said--"
"My twin. Calm yourself. Just let him." Pinakalma kaagad ako ni Alex dahil alam niyang nagsisimula na naman akong mainis, "Tss."
Lumipat na ng upuan si Kean Delvalle. Asar! Katabi ko pa nga naman. Nagpalipat-lipat pa siya at nang tapos na lumabas muna siya saglit.
Ito na ang bagong pwesto namin:
Guevarra- Ako- Delvalle- Hailey -Kent
Collin- Alex- Megan- Brent- Jess
Yan na ang pwesto namin sa likod. Damn, bakit ba tinabi sakin 'to? Nakita kong sinandal nung Guevarra yung paa niya sa upuan ni Cara. Nadali nang sapatos ni Guevarra yung likod ni Cara kaya napatingin si Cara sa kanya. Tinignan niya ito ng masama.
"What the f**k are you doing?" mataray na tanong niya.
"Hanggang dito pala magiging mag-kaklase tayo," ani Guevarra habang nakangisi.
"Pakamatay ka na, para hindi na tayo maging mag-kaklase"
"Mauna ka na lang, tutal bitter ka pa din sakin."
"Luuuhh~ Baka naman."
"Will the both of you shut your f*****g mouth?" Asar na singit ko dahil naiingayan na ako sa kanila. Nakakairita na kasi ang boses nila. Nag-discuss na ang prof namin. Kanya-kanya naman kami ng ginagawa.
Si Guevarra nakatingin sa bintana. si Alex nagdo-drawing. Si Hailey nakikinig sa prof and si Megan din. Si Jess nagse-cellphone. Si Brent tulog, pati na din itong Cara. Tapos si Kent kumakain ng lollipop. Ako? Tumungo. Di ko na tinignan si Delvalle. Maasar lang ako.
Bwiset kasi e! May pa-arrange-arrange sit pa e, ano kami elementary? Kung hindi lang ako takot kila Mom and Dad hindi ko susundin ang mga sinasabi ng prof na 'to!