[Megan's P.O.V.]
Nasa'n na ba kasi yung kakambal ko na yun?! Kanina pa ako naghahanap pero di ko siya makita. Humanda sa'kin yun kapag-- oh, ayun siya!
Tumakbo agad ako papunta sa garden pagkakita ko kay Kean. Nang makalapit ay agad akong nagsalita.
"Kean!! Ano bang ginagawa--A-alex?!" Napasigaw agad ako sa gulat ng makita ko si Alex na nakatayo di kalayuan sakin.
"Megan..." Walang ganang sabi niya. Parang bigla na naman akong nakaramdam ng sakit ng makita ko siya.
Akala ko ba moved on na ako?
"Megan?!" Napatingin agad ako sa babaeng sumigaw. Teka-- siya yung babae kanina na sumuntok kay Kean. Bakit niya ako tinatawag?
"f**k! Megan!" Lumapit sakin at niyakap ako. Huh? Problema nito? Teka-- sino ba 'to? sabi Empire daw-- wait. Nagtataka pa din ako na nakatingin sa kanya at nag-iisip.
Empire???
Hindi ba't Empire si Alex?
Sabi kanina Alexcia Lhei Empire daw ang pangalan niya..
E bakit niya ako niyayakap??
Kaano-ano ba 'to ni Alex??
Problema nito? Bakit nangyayakap??? Takang taka na ako nang may maalala ako bigla.
Shit!!!
Empire?!
"Ate Lhei?!!!!" Sigaw ko saka ko siya iniharap sa'kin habang nanlalaki pa parehas ang mga mata ko na parang hindi ako makapaniwala.
"Megan!" Masayang sabi niya sakin at niyakap ulit ako.
What the hell?! Siya si Ate Lhei? Ang kakambal ni Alex?! Bakit hindi ko siya nakilala agad?! Ugh! Ang tanga ko! Ang laki kasi ng pinagbago niya.
"How are you? Ate Lhei! Na-miss kita!" Niyakap ko siya pabalik.
"Lhei, halika na," malamig na sabi ni Alex. Pati siya ay nagbago na din. Ang laki ng pinagbago nila parehas.
"P-pero--"
"Come on!" sigaw pa ni Alex. Inirapan lang siya ni Ate Lhei saka humarap sakin.
"See you later, Megs!" Paalam niya saka hinila si Alex paalis. Lumapit naman sa'kin si Kean na nakakunot ang noo.
"What?" Mataray na tanong ko, this time hindi na ako sweet sa kanya katulad kanina dahil sinungitan din niya ako.
"You know her?" takang tanong niya sakin, "Isn't it obvious yet? tss," pagsusungit ko pa.
"But-- how come?" Bakas sa mukha ni Kean na nagtataka na siya. "Duuuh~ Kean! Siya ang ex girlfriend ni Cliff! Psh."
"Pero parang close na close kayo!"
"Eh ano ba problema mo?"
"Umamin ka, Megan," pagbabanta niya.
"Hays. Oo na, aamin na. Si Alex ay ex boyfriend ko. Sorry if I didn't told you that. Kaya kami naging close ni Ate Lhei dahil nga lagi ako sa mansiyon nila. Tapos ex nga siya ni Cliff. Kaya ayun," paliwanag ko.
"Pero bakit ako nakilala ko lang siya nung araw na-- aish! Never mind! Halika na nga sa dorm!" Napairap naman ako kay Kean, ang gulo nito. Ayun, hinila na niya ako papunta sa dorm namin. Sino kayang ka-dorm ko??
***
[Alexcia's P.O.V.]
Nandito kami ngayon sa dorm nila Alex. Kumpleto kami. Ako, Alex, Kent, Brent, Jess, at Hailey. Naka-upo kami ngayon sa mga sofa para mag-usap.
"Ano nangyari kanina sa garden?" tanong agad ni Jess.
"Megan Delvalle. Do you know her?" tanong ko din sa kanila. Nagtaka naman sila Hailey, Kent, at Jess.
"Yes. Siya yung kakambal nung Kean Delvalle di'ba?" Sarkastiko na sabi ni Jess kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Nakilala namin siya kanina sa room." sabat naman ni Hailey sa usapan, "Ahh! Yung transferee! ang cute no’n!" Napairap naman kaming tatlo kay Kent nang iyon ang sabihin niya.
"Do you even not recognize her face? Hailey and Jess?"
"No?" Hindi siguradong sagot ni Jess at ang itsura ay parang sinasabi 'Sino ba 'yon?'
"I am sure that this is the first time I saw her." Hailey answered kaya napairap na ako at inamin na sa kanila ang nalaman ko kanina, "She's Megs! Guys! Megan Delvalle! Ex girlfriend ni Alex!!"
"Oww~ Ex ni Alex-- wait. You mean, Megs baby?!" Kumikinang ang mata na sigaw ni Jess. Tumango naman ako. All of us were close to Megan before.
"Hahahaha!! YUN BA YUNG PINAGSESELOSAN DATI NI HAILEY?!" Tawang-tawa pang sabi ni Kent para mang-asar kaya agad siyang binatukan ni Hailey.
"Aww!"
"Napaka-ingay mo! Past is past!" inis na sigaw ni Hailey, "Peace. Hehe." Lumayo na agad sa kanya si Kent.
"So what about her?" singit ni Brent sa usapan.
"Kapatid siya ni Cliff sa ina, isang Delvalle."
"Bakit ba natin pinaguusapan yang Megan na yan? tsk." Asar na sambit ni Alex kaya inasar agad namin siya.
"Bitter!!!"
"Ang ingay niyo. Magkaka--"
Agad kaming napatingin sa pinto ng may kumatok kaya napatigil kami sa tawanan.
"Kent! Open the door," utos ni Hailey. Inirapan na lang siya ni Kent saka tumayo at pumunta sa pinto.
"Guys!" sigaw ni Kent. Napatingin kami sa mga bagong dating. Ang dean at sila--
Anong ginagawa ni Megan at Kean dito?!!
"Kyaaaahh! Megan baby!!!" sigaw agad ni Jess sabay takbo at yumakap kay Megan.
"Ouch. Ate Jess, right? Hihihi." mahinhin na sabi ni Megan.
"Dean, what brings you here? And with them?" tanong ni Alex.
"Sila ang magiging bagong ka-dorm niyo. Megan Delvalle will join Jessica, Hailey and Alexcia's dorm. While Kean Delvalle will join the dorm of the boys. Understood?" paliwanag ni Dean.
"Wait Dean, e akala ko po ba tatlong tao lang per dorm?" takang tanong ni Brent.
"Malaki naman ang dorm niyo. So it's okay. Good bye for now. Treat them well," ani Dean at umalis na.
"Well, it's okay with us," sagot ko. Okay lang naman si Megan sa'min.
"Psh. Wala nang magagawa e." Reklamo pa ni Alex at parang nagdadabog pa dahil sa inis.
"Don't worry, di naman si Megan ang makakasama natin e. Don't be such a bitter--"
"Shut your f*****g mouth, Kent!" inis na singhal na ni Alex kay Kent. Napailing na lang ako sa kanila.
"Hailey and Jess, samahan niyo na lang si Megan sa dorm natin at tulungan sa mga gamit niya," utos ko. Tumango naman sila at lumabas kaya nag-chikahan na agad sila. Balita ko pa tinarayan kanina ni Jess si Megan tapos ngayon chikahan na sila.
"Alexcia--"
"We're not close nor friends, so don't talk to me,” cold na pakikitungo ko kay Kean dahil umakma siyang kakausapin ako.
"Tsk."
"Kent, ikaw na bahala sa ka-dorm niyo"
"Tara p're sa kwarto mo," yaya ni Kent saka sila umakyat. May mga guess rooms naman e, so it's fine.
"Delvalle, isa sa mga malulupit na kalaban natin in business," sabi sakin ni Alex. Napaka-seryoso niya simula nakita niya sila Megan ulit.
"Yes. Pero di naman siguro damay si Megan dito diba?"
"She's still a Delvalle, Lhei." Tinitigan ako ni Alex, "Not because she broke your heart, galit na galit ka na sa kanya. Alex, I thought you've already moved on?"
"Psh. Fine."
"Delvalle huh?" singit naman ni Brent kaya tinignan ko siya, "Why?"
"Kung isa siyang Delvalle, it means makapangyarihan siya. Sa mga tingin niya kay Alex kanina, para siyang gangster." Napahinto kami sa sinabi ni Brent.
"Gangster?"
"Napansin ko din yan kanina nung nasa garden kami," sabi ko kaya sakin naman sila napatingin. Hindi na siya yung tulad nang dati noong nakita ko siya.
"The way he looked to Alex. Tsk." Iiling-iling na banggit ni Brent.
"Bakit di ko napansin yun?"
"Brent, mag-research ka tungkol sa kanya. Alamin mo ang lahat sa kanya. Kung gangster man siya, delikado tayo. Hindi natin alam kung mabait ba siya o hindi," utos ko saka lumabas na ng dorm nila.
Hindi namin kilala kung sino ang mga posibleng lumaban samin patalikod. Lalo na ngayon, isinama pa siya ni Dean sa dorm nila Alex. Wala akong duda kay Megan, ewan ko na lang kay Kean dahil in the first place no one really knows him.