NAPAUNGOL si Marcus. Sa bawat araw ay laman ng puso at isipan niya si Rafy. Ang mapanaginipan ito ay hindi na nakapagtataka. Nang madama ang malalambot na labing dumidiin sa mga labi niya ay kaagad siyang nadarang. He was missing her like hell kung kaya’t maging ang panaginip ay tila totoo. Buong pananabik niyang tinugon ang mga halik na iyon. Nararamdaman niya ang mga kamay na unti-unting kinakalas ang pagkakabutones ng kanyang pajama top. Muli siyang napaungol nang madama ang paghagod ng malalambot nitong palad sa kanyang dibdib. Ayaw niyang dumilat. Ayaw niyang magising sa magandang panaginip na iyon. Kung sa panaginip lang niya madarama muli ang mga halik nito, so be it. He kissed her back. Gusto niyang suklian ang mainit na mga halik nito. “R-Rafy...” ungol niya nang maglakbay a

