NAGPAALAM si Rafy kay Lolo Ed na babalik na sa Maynila. Hindi naman ito tumutol. Sasabay na rin daw ito sa pagluwas niya. Ayaw pumayag ni Marcus na umalis siya ngunit wala itong nagawa sa naging desisyon niya. Masakit man na malayo rito ay naisip niyang iyon ang pinakamainam na paraan para mabawasan ang sakit na nadarama niya. Mahal nila ang isa’t isa ngunit hindi sila ganap na malaya para ituloy ang pag-iibigang iyon. Or at least, hindi pa. Malaki ang utang-na-loob niya kay Lolo Ed at hindi niya magagawang saktan o biguin ito. Mahal din niya si Abby at ayaw niyang may masamang mangyari dito dahil sa paghahangad na mailantad ang pagmamahalan nila ni Marcus. Sa silid niya natulog si Marcus nang nagdaang gabi. They spent the night making love. It was sweet and ecstatic. It was soul-bind

