Nang matapos ipakilala ni Haven si Esang sa kaniyang mga pamilya bilang kasintahan ay nakisalamuha naman si Esang sa pamilya. Mabait naman ang ilan at ang ilan ay marami ang tanong na ibinato sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin mamaya kay Haven pauwi. Huminga siya nang malalim, saka pinagtinginan ang mga bisita. Pauwi na rin siya dahil malapit nang pumatak ang alas onse ng gabi. Iyon lang naman ang usapan nila ng kaniyang Lola Sarah. Hinintay naman niya sa garden si Haven, nagpaalam na muna ito sa mga pamilya at kay Aling Melinda na ihahatid siya muna nito. Kaya naman ay naiwan na naman ulit siya sa harden habang hinihintay ang lalaki. Hindi naman niya inaasahan ang biglang pagsulpot ni Esmael sa kung saan. Hindi niya maintindihan kung bakit na lang ito bigla-bigla na nagpa

