NAGING tahimik silang dalawa ni Esmael nang makalabas na silang dalawa. Inubos na yata lahat ni Esmael ang lakas nito para lang mawasaka ng seradora ng pinto na kinaroroonan nila ni Esang. Walang-kibo ito hanggang sa makabalik na silang dalawa ng room. Pinauna si Esang ni Esmael at nagpahuli ito. Mabuti na lamang at nakatalikod sa may pinto ang kanilang professor kaya hindi nito napansin ang pagpasok ni Esang. Agad naman na nangunot ang noo ni Diane pagkakita sa kaibigang naliligo sa pawis. Mukhang may tinakbuhan ito na ilang metro ang layo. “Oy, Esang. Ayos ka lang ba? Bakit ka yata na-late ngayon?” tanong nito sa kaniya na magkasalubong ang dalawang kilay. Hindi sumagot si Esang at bumaling na sa kanilang guro, pero sigurado siyang hindi siya tatantanan ni Diane hangga’t hindi niya s

