UNANG araw ni Esang sa kaniyang trabaho, hindi niya alam kung matatanggap o magiging maganda ba ang performance niya bilang isang sales lady sa cionvenience store. Mabuti nga at natanggap siya sa mga oras na iyon at hindi siya tinanggihan. Tinotoo nga ni Haven ang sinabi nito na pababantayan siya kay Esmael. Kasama na niya sa mga oras na iyon ang pinsan ni Haven. Bagger ang lalaki, samantalang siya ay isang sales lady. Tamang ayos lang ng mga items sa loob ng mall, sa grocery section siya nakalagay. Night shift ang duty nila ni Esmael, simula alas sinco ng hapon hanggang alas dyes ng gabi. Mabuti na lang talaga at may motor si Esmael kaya isasabay na lang daw siya nito mamaya sa pag-uwi. Hindi alam ni Esang kung ano ang sasabihin sa lalaki, nahihiya kasi siya na simulant ang usapan. Kaya

