“Hindi mo naman ako kailangan na ihatid, Esmael.; ayaw ko naman na makaabala pa ako sa iyo,” ani ni Esang nang papunta silang dalawa sa parking lot. “Hindi pwede, Esang. Mahigpit na binilin sa akin ni Kuya Haven na ihatid ka sa inyo ngayong araw. Kung ayaw mong mapagalitan ka at maging ako, sumunod ka na lang. nakita mo na rin siguro kung paano magalit si kuya?” tanong nito sabay bigay sa kaniya ng helmet. Isang raider 150 na Suzuki ang motor ni Esmael. At mukhang iyon din ang nakikita niyang sinasakyan nito tuwing pupunta sa kaniolang school. Kinuha naman niya ang helmet saka sinuot iyon. “Nga pala, saan mo gustong kumain? Bilin sa akin ni Kuya Haven na pakainin ka muna bago umuwi,” tanong nito sa kaniya, nang sumakay na ito ng motor. Nag-aalinlangan pa si Esang kung paano ang pag-up

