“Esang, langoy ka na. bakit hindi ka umaalis diyan?” anyaya sa kanya ni Esmael na may pagtataka sa boses nito, habang nakakunot ang noo. Hindi niya napansin. Napakamot siya sa kanyang batok saka umiwas dito ng tingin. “Hindi kasi ako marunong lumangoy, eh. Alam mo na sa swimming class lang kasi ako natuto,” pag-amin niya ng totoo sa lalaki. Tumango-tango naman ito na tila naiintindihan siya. “Kung ganoon, gusto mo turuan kita? I swear, hindi kita ilulunod o hayaan na malunod. Akong bahala sa iyo,” depensa naman agad nito, nang makita siguro ang rumihestro na kaba sa kanyang mukha. Nakita naman ni Esang ang potential ni Esmael sa paglangoy, dahil panay ang lubog nito sa tubig at litaw naman sa kung saan. Hindi na nga niya napansin na malapit na pala ito sa kanya, hindi niya alam kung s

