TANGHALIAN na nang magising si Esang mula sa pagkakatulog. Epekto yata iyon ng gamot na pina-inom sa kanya ni Haven. Medyo ayos na rin ang pakiramdam niya at hindi na rin siya nahihilo. Tumayo siya mula sa kama saka tumungo sa banyo para manghilamos at magbihis muna. Noon niya lang napagtanto na hindi pala siya nakabihis muola kaninang pumunta sila ni Esmael sa yate. May naka-hang na robe sa banyo at iyon muna ang kanyang isinuot matapos maligo. Naghanap siya ng damit sa cabinet pero wala roong damit. Nakalimutan niya na wala pala talagang mga damit doon dahil hindi naman siya nagdala ng gamit niya. Iyong robe na lang muna siguro ang kanyang susuotin. Itatali na lang niya nang matibay para hindi iyon makalas at baka mahubaran na lamang siya bigla sa harap ni Esmael. Pagkalabas niya ng su

