HINDI ALAM ni Esang kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. Naguguluhan siya sa kaniyang assignments sa English. Nahihirapan siya sa kaniyang assignment na hindi niya maintindihan kung ano ang isusulat doon. Napakamot pa siya sa kaniyang ulo gamit ang kaniyang ballpen na hawak. Nag-aaral na rin ang kaniyang kapatid na si Cardoy at Macky, nasa ikatlong baiting na ang mga ito at masaya siya roon. Hindi niya aakalain na mapapalago nila ang perang iniwan sa kanila ng kaniyang Nanay Salvi. Ang dating munting tindahan lang nila ay naging isang grocery store na. magaling naman kasi na mag-asikaso ang kaniyang Lola Sarah, kaya naman ay naging successful iyon. Hindi lang talaga siya makapaniwala na magiging ganoon na ang buhay nila. Nakapagpatayo na sila ngsaktong bahay, nakabili na rin sila ng

