Kinabukasan ay maagang nag-asikaso si Esang para pumasok sa school. Makakasabay niya ang kaniyang kapatid at maiiwan ang kanilang Lola Sarah sa kanila. bago sila umalis ay nagpaalam na muna sila kay lola Sarah. Pinagbilinan naman sila ng mga ito ng kung anu-ano para walang mangyaring masama sa kanila. natutuwa naman sila sa kanilang Lola dahil doon. Mabuti na lamang at may lola silang mabait, maalaga at mapagmahal. Wala na silang maihihiling pa. Kahit maaga man silang nawalan ng mga magulang ay narito ito para alagaan sila. “Iyong bilin ko sa inyo, ha!” pahabol pa nito sa kanila, bago pinaandar ni Esang ang motor kung saan nakasakay ang kaniyang kapatid na si MAcky at Cardoy. “Bye, Lola!” sigaw nila bago umalis. Pinakapit pa nang mahigpit ni Esang ang dalawa para hindi ang mga ito na

