Chapter 11: Another heartbreak
GUMUHIT pa rin ako ng bago dahil gusto ko rin talagang ibigay ito sa kaniya. Nang napunit kasi ang litrato ko ay nakita ko pa ang pagguhit ng lungkot sa maamo niyang mukha. O sadyang ako lang ang nag-assume sa nakita kong iyon? Ah, basta naawa rin ako kay Kuya Khai.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Pansin ko nitong mga nakaraang araw ay bumibigat na ang dibdib ko. Siguro kasi nasasaktan pa rin ako.
Dahil sa kaiisip ko ulit sa kaniya ay nagawa kong tapusin ang painting ko pero wala na akong frame at iyon ang bibilhin ko bukas. Para maibigay ko na talaga sa kaniya. Napangiti na lamang ako ng mapait nang makita ko ang batang ako.
“Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ka makita sa ganyan na hitsura, Francine o dahil siguro mas bet niyang makita ka na little girl pa rin,” pagkakausap ko sa aking sarili.
Napakainosente ng mukha ko at ang tamis pa ng ngiti. Sana ganyan ka na lang palagi, Francine. Iyong puro laro ka lang at wala kang ibang iisipin. Hindi katulad mo ngayon. . .
Nasasaktan dahil sa one-sided love.
***
NANG may pasok na uli kami ay akala ko susunduin pa namin si Calystharia pero diretso na lang kami sa school ko. I’m still confused. Dati naman ay sinusundo niya sa house nila si Calystharia. Iisang school naman kasi kami.
“Kuya, bakit hindi mo sinundo ang girlfriend mo?” tanong ko pagkababa ko pa lamang mula sa kotse niya. Umiling lamang siya. Pinagbuksan pa niya kasi ako ng pinto. Kahit hindi na kailangan.
“Ang daddy niya ang naghahatid sa kaniya,” sagot niya. Gusto ko pa sanang magtanong pero ayoko namang magtagal pa rito si Kuya Khai. May klase pa siya.
“Sige po, papasok na ako. Take care, Kuya,” paalam ko at ngumiti pa ako bago ko siya tinalikuran.
“Francine!” Napaigtad pa ako sa gulat nang may sumigaw sa pangalan ko at nagsalubong ang kilay ko nang makita kong nasa waiting area si Vira.
Nagmamadali na siyang lumapit sa kinaroroonan ko at agad na inangkla ang kamay niya sa braso ko. Pareho kaming clingy sa isa’t isa kaya ganito rin kami ka-close.
Sumilip pa siya sa aming likuran. “Good morning po, Kuya Khai!” pasigaw na pagbati niya rito at hindi na ako lumingon pa.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Vira at naamoy ko na naman ang matamis na kinakain niya. Ang lollipop.
“Ang aga-aga ay lollipop na ang kinakain mo, Vira,” sita ko at naglabas pa siya ng isa. Napanguso na lamang ako at marahas ko pang inagaw iyon sa kamay niya.
“Nakita ko kanina sina Sage at Calystharia na magkasama. Same school lang pala tayo dahil senior na rin sila. Ang sweet tingnan ng mag-best friends at bagay na bagay sana sila pero mas bagay siya kay Kuya Khai. Matured na kasi ang pag-iisip ng crush mo, beh. Tapos si Calystharia ay feeling ko lang ay sakit ng ulo siya,” paliwanag niya at binawi ko ang braso ko. Kasi pini-pair na niya ang dalawang iyon kahit alam niyang crush ko nga si Kuya Khai.
“Hindi tayo bati!” sigaw ko at binilisan ko ang paglalakad ko. Natatawa siyang humabol sa akin.
“Wait lang, beh! I’m telling the truth naman kasi! Beh!” sigaw niya at sinubo ko na ang lollipop nang matanggal ko na ang wrap nito. “Francine! Ay nalintikan na!” sigaw pa niya at natawa na lamang ako sa kasisigaw niya at muntik pa siyang madapa.
Pagdating sa classroom namin ay naghabulan pa kaming dalawa hanggang sa dumating na rin ang teacher namin at naging busy na kami sa pakikinig sa discussion nito.
Maaga kaming na-dismissed at agad akong nagtipa sa keyboard ng cellphone ko. Hindi na ako sasabay ngayon kay Kuya Khai dahil nga sa balak kong bumili ng frame. Sumabay ako kay Vira.
Maraming customer sa store na ’yon, kasi may mga binibili sila. Alam ko naman ang size ng canvas ko at hindi ako mahihirapan na maghanap ng frame na ka-size niya lang.
Nagbayad na kami ni Vira sa counter at gamit ko ang card ko na bigay ni dad. Pareho sila ni mommy ang nagbibigay sa akin ng allowance.
Hindi naman talaga ako maluho and my mom always checking my credit card. Sabi niya ay halos hindi raw nababawasan ang laman. Pagdating naman kasi sa mga damit ko ay si mommy pa rin mismo ang nagbibigay sa akin. Siya ang nag-d-design ng mga iyon.
Nang nasa labas na kami ni Vira ay napansin ko naman ang pamilyar na sasakyan at agad na umibis doon ang driver.
“Si Kuya Khai ba ’yan, beh?” curious na tanong din ni Vira. Tumango ako.
Binuksan nito ang pinto sa driver seat at bumaba roon si Calystharia. Hindi ko naman magawang umalis mula sa kinatatayuan ko kung hindi lang ako at hinila ni Vira.
To be honest, hindi naman namin kailangan pang magtago. Ano naman kung makikita niya kami rito? Nagpaalam na rin naman ako sa kaniya kanina.
“Nag-d-date sila, Francine. Tara na uwi na tayo. Hindi mo pala sila dapat makita na magkasama,” ani Vira at hinila na niya ako.
Habang hinahatid ako nina Vira kasama ang personal driver niya ay natahimik na lamang ako. Vira tried her best to divert my attention to her but she failed. Nangingibaw kasi ang lungkot at sakit na nararamdaman ko, and I started to hate this feeling. I don’t want anymore.
Mahigpit na yakap ang ibinigay ni Vira sa ’kin at dahil sa nararamdaman kong comforting ay nabawasan ang bigat sa aking dibdib.
Mabuti na lamang pag-uwi ko ay nasa bahay na ang mga kapatid ko at si mommy lang ang wala pa. Binabantayan sila ng servant namin.
“Sige na po, ako na ang bahala sa kanila,” sabi ko. Ngumiti lamang sila saka umalis.
Nilapitan ko si Pressy. “Ate ko,” malambing na bati pa niya. Si Cody ay mabilis din siyang tumabi sa ’kin. Nakipaglaro ako sa kanila para naman makalimutan ko ang nakita ko kanina sa store.
Lumipas pa ang ilang linggo saka ako nagpasyang ibigay ang painting ko kay Kuya Khai. Kasama ko si Pressy dahil gusto niya ring sumama at makita si Jessy.
Nagulat pa si Ninang J nang makita niya kami na papasok na sa loob ng mansion nila.
“Oh, bakit parang na-miss ko kayong dalawa? Especially you, Francine,” emotional na sabi ni Ninang J at sinalubong niya kami nang mahigpit na yakap.
“Sorry po, Ninang. Nakalimutan ko na nga rin po ang birthday gift ni Kuya Khai. Matagal ko na po itong pinaghandaan pero ngayon ko lang po naalalang ibigay sa kaniya,” paliwanag ko kahit na may kasamang kasinungalingan.
Napangiti na lamang siya at binuhat niya si Pressy. “Tuloy kayo, hija. Ipaghahanda ko kayo ng meryenda. Come here, Jessey. Sa kitchen tayo, anak,” pag-aaya niya sa bunso nila at kumaway lang din si Jessey sa ’kin. “Hanapin mo na lang si Khai, dear. Baka nasa room niya.” I nodded.
Yakap-yakap ko ang painting na inilagay ko sa paperbag at umakyat ako sa hagdanan. Kinakabahan ako sa totoo lang pero nagpatuloy pa rin ako.
Sanay na akong pumasok sa kuwarto ni Kuya Khai na minsan ay hindi na kumakatok pero pagpihit ko ng doorknob at binuksan ito ay nakita ko ang hindi ko na dapat nakita pa.
Sa gulat ko ay nabitawan ko ang paperbag at lumikha ito nang ingay. Dinig ko ang pagkabasag ng painting, sa pangalawang pagkakataon.
Mabilis akong tumalikod at pumanaog. Nanginginig ang mga kamay at binti ko at pakiramdam ko ay kakapusin ako nang hininga.
Sobrang sikip ng dibdib ko at sa nakita kong eksena nang paghahalikan nila ay tila kutsilyong bumaon ito sa puso ko.
Nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha ko at dahil sa sakit na nararamdaman ay nakalimutan ko na ang baby sister ko. Mabilis na nagtungo ako sa bahay namin at nakasalubong ko pa si Cody. Nagulat pa siya nang makita ang pag-iyak ko.
“Ate! Are you okay po?!” tanong nito at hinahabol na niya ako. Hindi ko ni-lock ang pinto at kumatok lang si Cody. “Ate Francine, bakit ka po umiiyak?” tanong nito sa akin. Dumapa lang ako sa bed ko at umiyak nang umiyak.
Doon na rin nagsimula ang pagbabago ko sa sarili ko pero hindi ko sinubukan na lumayo ang loob ko kay Kuya Khai.
He asked me that day, I answered na nagulat lang ako kasi first time kong makakita nang ganoon. Hindi naman siya nagtanong pa.
Natuto ako na magtago ng totoo kong emosyon at umakto na wala lang sa akin ang lahat. Kahit na ang totoo ay hindi pa rin nawawala ang sakit.
Nagagawa ko pa rin namang pakisamahan si Kuya Khai at sa paningin niya ay isa pa rin akong jolly pero ang totoo niyan, malaki ang pinagbago ko.
It was January 7, my 16th birthday. Instead na sa bahay lang ako kasi may celebration, I chose to go somewhere.
I’ll treat myself a street foods at sa isang place lang ako namalagi. Sa park at nakaupo lang sa bench habang pinagmamasdan ko ang mga taong masayang magkasama at nagkukuwentuhan. Mga batang naglalaro.
Sinadya kong i-off ang phone ko, but I’ll make sure naman na mag-iwan ng text message. Nagpaalam ako sa parents ko na lalabas at hindi naman ako lalayo.
8 in the morning ang pag-alis ko at nang tingnan ko ang wristwatch ko ay four-fifty five na nang hapon. Ayoko pang umuwi sa totoo lang. I wanted to stay here. I took a deep breath and stood up. I decided to go home na lang.
Sumakay lang ako ng taxi at saka ko binuksan ang cellphone ko. Sunod-sunod na pumasok ang text messages nila, sa parents ko, kay Ninang J. Mayroon din kina Vira at Herodes. Mas maraming messages si Kuya Khai at ’saktong tumawag na rin siya.
Hindi ko sinagot ang tawag dahil sa tapat ng mansion namin ay nandoon na siya. Nakahawak siya sa hood ng sasakyan niya.
“Salamat po,” pasasalamat ko sa taxi driver at saka ako umibis mula rito.
Salubong ang kilay ni Kuya Khai at hindi siya mapakali. Visible ang pag-w-worry niya at nang makita na niya ako ay parang doon lang siya nakahinga nang maluwag.
Ibinulsa niya ang phone niya at lumapit siya sa ’kin. Tinanaw ko lang din ang taxi na papalayo na.
Napalingon ako sa kaniya nang hawakan niya ang balikat ko. “Where have you been, Francine? Lahat kami ay nag-aalala sa ’yo, your parents,” mariin na sambit niya.
Ngumiti lamang ako. “Nagpaalam naman po ako kina mommy at daddy, Kuya. Nagpunta lang po ako riyan sa malapit. Bigla po kasi ako nag-crave ng street foods,” paliwanag ko pa.
Hindi man lang nawala ang pagkakasalubong ng kilay niya.
“For almost eight hours, Francine? Kumain ka lang ng street foods sa labas nang ganoon katagal?” hindi makapaniwalang tanong niya at tumango naman ako.
“Nawili rin po kasi ako sa magandang view roon. So, I decided po to stay longer pero hindi ko namalayan ang oras,” I explained.
“At bakit hindi ka namin ma-contact?” tanong pa niya.
“Nakalimutan ko po kanina i-on. Noong umalis kasi ako ay naka-charge pa ito sa room ko.” Matiim na tinitigan niya ang mukha ko at mayamaya lang ay tumango na siya na parang nakuha ko na rin siya sa mga paliwanag ko na hindi naman makatotohanan.
Sabay na kaming pumasok sa loob at nagkakasiyahan pa rin naman doon ang family namin. But mom approached me. Niyakap pa niya ako at ilang beses na hinalikan ang sentido ko.
“I’m so worried, honey. Saan ka ba nagpunta, hmm?” tanong niya at hinawakan ko ang pisngi ni mommy.
“I told you po, Mom. Sa labas lang po ako and I want to treat myself because this is my 16th birthday. Mauulit pa rin po ito. So, be ready,” I told her.
“Happy birthday, Francine,” Ninang J uttered and I smiled at her.
“Thank you po, Ninang.” Humalik ako sa pisngi niya.
“Si Khai, hindi pa ’yan kumakain dahil sa paghahanap sa ’yo. I’m glad na okay ka naman, Francine. Kanina ko pa rin pinakalma ang mommy mo,” she said. Napatango-tango ako.
“Sorry po talaga,” aniko at muli kong nilingon si Kuya Khai, na nakaupo na rin siya. Lumapit sa kaniya ang baby sister niya at inalok siya nito ng finger food.
Nagpaalam ako kina Ninang J at mommy para malapitan ko ang mga kaibigan ko.
“Beh, pinag-alala mo naman kami!” sigaw niya na tinawanan ko lamang.
Si Herodes na bumati lamang sa akin. Hinanap ko naman sina Sage at Calystharia, dahil pati sila ay invited. Ako mismo ang nag-invite.
Oo, masyado akong martyr pero kaya ko pa namang magtiis at itago ang nararamdaman ko.
“Kain ka, Francine,” pag-aalok ni Herodes at siya mismo ang kumuha ng paperplate ko. Isa-isa niyang nilagyan ng food iyon. Sinadya pa niyang damihan.
Nang muli kong tiningnan si Kuya Khai at hindi pa rin siya umaalis mula sa kinauupuan niya. Hanggang sa magpasya ako na lapitan siya n dala ang pagkain ko.
Hindi pa man ako nakalalapit ay naramdaman ko na agad ang dalawang pares ng mga mata niya.
Umupo ako sa tabi niya. “Kain po tayo, Kuya,” pag-aaya ko. Tinitigan pa niya ako. Humugot siya nang malalim na hininga saka siya kumain.