Chapter 10: The Painting & Heartbreak
KINABUKASAN, umuwi na rin kami. Sina Mommy at Daddy ay ihahatid nila ang best friend kong si Vira para naman makausap nila ang parents nito.
Sina Sage at Calystharia naman ay ang parents ni Kuya Khai ang maghahatid. Ewan ko kung bakit hindi na lang ito ang maghatid sa dalawa. Dahil siguro ay hindi pa legal si kuya sa family ng girlfriend niya.
Kaya sa van ay kami ang nakasakay. Siya ang nagmamaneho at ako pa ang nasa tabi niya. Maingay ang apat na bata. Nagkukuwentuhan sila at nagtatawanan pa.
“Ate, water please.” Binalingan ko ang kapatid kong babae. “I’m thirsty po,” she added. I just smiled at her. Inabot ko ang tumbler niya sa dashboard.
Binuksan ko ang takip nito at saka ko ibinigay iyon sa baby sister ko. “Thank you po, Ate.” Uminom na rin ako ng tubig at saka ko ibinalik ang tumbler.
Wala pang dalawang minuto ay si Cody na naman ang nagsalita.
“Ate, may biscuit ka po ba riyan?” Mariin akong napapikit. Nakita iyon ni Kuya Khai kaya mahinang natawa siya.
“Seth, tingnan mo nga ang backpack na dala natin. Mayroon tayong biscuit doon. Ibigay mo sa mga kapatid mo,” sabi niya sa kapatid niya. Kapag sinabi niyang “mga kapatid” niya ay kasama na roon ang baby siblings ko.
“Sige po, Kuya.”
Binalingan ko si kuya, na at that moment ay nakatutok siya sa daan. Pero nang mapansin niya ako ay tumingin din siya sa akin.
“Do you need anything, Francine?” he asked. I shook my head.
“Ang kulit ng mga kapatid ko, ’no? Palautos sila,” sagot ko at sinulyapan ko ang apat sa backseat. Na ngayon ay kumakain na ng biscuit.
“Yeah. Ganyan din sina Seth at Jessy. Pero higit na palautos si Seth,” sabi niya. I heard din na spoiled si Seth sa kuya niya. Close na close silang dalawa.
“Ate—”
“Ano na naman ba, Pressy?”
“Ate, wiwi po ako,” sagot niya at nakangiwi pa.
“Ako rin po, Kuya Khai,” ani naman ni Jessey.
“Wait a minute, kids. Maghahanap lang tayo ng store,” he said.
Huminto nga kami sa isang fastfood chain. Tatlo lang kami nina Jessey at Pressy ang bumaba. I help my sister dahil si Jessey ay kaya na niya ang sarili niya.
“Hindi talaga tayo makauuwi agad dahil sa ihi ninyo,” naiiling na sabi ko at hinawakan ko na sila sa kamay saka kami lumabas. ’Saktong palabas na rin ang tatlo.
Bumaba rin pala pala sila mula sa van at nakita kong nag-order na sila ng pizza and drinks na dala ni Kuya Khai. Isang box din ang dala ni Cody.
“Get in. Kanina pa naghihintay ang parents natin. Nag-aalala na sila sa atin dahil hindi pa tayo dumarating.”
“Hey, kids! Get in the car already!” sigaw ko.
SA GATE pa lamang ng house namin ay sinalubong na kami ng parents namin. Tinanggal ko ang seatbelt at binuksan ang pinto.
“God, nag-alala naman kami sa inyo, mga anak,” sabi ni mommy at yumakap pa sa ’kin.
Si dad naman ay binuksan niya ang pinto sa backseat at saka niya pinababa ang mga bata. Si Kuya Khai ang nagpaliwanag kung bakit kami natagalan.
Nauna na akong pumasok sa bahay namin na bitbit ang backpack ko. Gusto ko na ring mag-rest pa. Nakapapagod din pala ang mag-beach, ’no?
Pabagsak ko pang inihiga ang katawan ko sa malambot kong kama at pumikit ako. Nang maalala ko naman si Vira ay hinanap ko ang phone ko at tinawagan ko ang best friend ko.
“Hi, Francine!” sagot niya.
“Nandiyan ka na ba sa house ninyo?” tanong ko.
“Yes. Nasa room na ako at nagpapahinga. Napagod ako pero nag-enjoy naman ako. Sa uulitin, beh.”
“Yeah, yeah. Okay take your rest na lang. Maski ako ay napagod din,” sabi ko. Ibinaba ko na rin agad ang tawag at nakatulog na ako after that.
Ginising naman ako ng baby sister ko na si Pressy. Nagawa pa niya akong daganan sa likod ko at hinalik-halikan pa niya ang cheek ko.
“Wake up ka na po, ate ko!” I groaned. Humiga pa siya sa tabi ko. “Ate, wake up na.”
“Gising na ako, baby,” I told her and kissed her cheek. “Why mo ba ginigising si ate, Pressy?” I asked her. Pinindot-pindot ko ang tungki ng ilong niya na ikinatawa niya.
“Sabi po ni mommy ay gisingin na kita. Kasi po ready na ang dinner natin,” sagot niya at pareho na kaming bumangon.
“Okay, mauna ka na. Magpapalit lang ako ng damit ko.”
“Okay po.”
Nang tumayo ako ay napatingin pa ako sa center table. Naglakad ako palapit doon at kinuha ko ang nakalagay sa ibabaw nito.
Kahapon ay nagdadalawang isip talaga ako na dalhin ito but in the end ay nag-decide pa rin akong iwan ito.
Tinitigan ko ang mukha ko noong five years old pa lamang ako. Maaga ko rin namang natapos ito bago pa man ang birthday niya.
Hinaplos ko ang mukha ko sa painting at tipid na ngumiti. Nang may kumatok sa pinto ay nagulat pa ako. Hindi ko sinasadyang madulas sa kamay ko ang painting.
Napanguso ako nang makita kong nabasag na ang frame nito at kasabay nang pagbukas ng pinto. Pumasok doon ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon.
Hindi ko na magawa pang itago iyon dahil bumaba na ang tingin niya. Mariin akong napapikit.
“Hindi ba ito ang regalo mo sa ’kin, Francine?” tanong niya.
“Yes,” tipid kong sagot at kunot-noong tiningnan niya ako. Ang paraan nang pagsagot ko ay kakaiba na parang ang seryoso ko rin. “Gagawan na lang kita ng bago, Kuya. Hindi ko sinasadyang mahulog,” paliwanag ko at lumuhod ako para kunin iyon pero mabilis niyang pinigilan ang kamay ko.
“Don’t touch it. Ang mabuti pa ay kunin ko na lamang,” aniya na ikinailing ko. Mabilis kong inagaw iyon mula sa kaniya.
“Guguhit na lang ako ng bago,” sabi ko pero hinila niya rin ito.
“Akin na lang. Sa akin naman ’to, ’di ba?” Sa paghila ko naman uli ay nakarinig na lamang kami ng pagkapunit.
Nahati ang mukha ko sa painting. Ilang minutong naghari ang katahimikan sa pagitan namin.
Bumuntong-hininga ako. “Ang kulit mo naman, Kuya,” mariin na saad ko at tumayo na ako. Nilukumos ko ang papel na hawak ko saka ko ito tinapon sa trash bin ko. Clueless pa rin siya noong tumayo na rin siya at tinitigan niya ako. “Kapag natapos ko na. Promise ibibigay ko naman sa ’yo. Ano ba ang ginagawa mo rito, Kuya Khai?” mahinahon na tanong ko.
“Kukunin ko sana ang regalo ko tapos napunit lang,” sabi niya na parang nabigo siya sa isang competition. I shook my head.
“Singilin mo na lang ako if natapos ko na,” sagot ko at itinuro ko ang pinto. “Lumabas ka na po, Kuya.”
“Huwag na huwag kang hahawak sa mga bubog na ’yan, Francine. Magtatawag na lamang ako ng kasambahay ninyo para malinisan ’yan,” paalala pa niya. Nagkibit-balikat lamang ako. “Seryoso ako. Don’t ever touch it, baby.” I nodded.
“Oo na po. Ang kulit mo.” Nagtungo ako sa desk ko at tumawag na lang ako over our telephone. I glanced at Kuya Khai. “Don’t touch it, Kuya!” sigaw ko dahil isa-isa niyang pinulot ang bubog. “Puwede po bang pakilinisan ang room ko? Nabasag po kasi ang painting ko,” magalang na utos ko pagkasagot nila ng telepono. “Tara na po sa labas. Hayaan mo na lang diyan.”
Hinila ko pa ang braso niya saka niya iyon binitawan. Hinatak ko na siya palabas.
“Don’t forget my painting, Francine,” he warned me. I rolled my eyes.
“Oo na nga po, Kuya. Sige na roon ka na sa labas,” pagtataboy na saad ko pa.
“Mayroon bang nangyari, honey?” my mother asked. Kasunod na niya ang servant namin.
“Everything is okay, Mom. Don’t worry about that. Sige na po, Manang. Pumasok na kayo,” aniko.
“Hijo, mag-dinner ka na lang dito sa amin,” pag-iimbita ni mommy kay kuya.
“Thank you po, Ninang. Pero kailangan ko pong makabalik agad sa bahay. Naghihintay po si mommy,” pagtangging saad niya sa aking ina.
“Oh, okay lang, hijo.”
Sinenyasan naman ako nito at na-gets ko naman iyon agad. “Okay po,” sagot ko lamang. Humalik pa siya sa pisngi ng mommy ko bago siya umalis.
Binalingan naman ako ni mommy. “What happened, anak? Ano ang pinapalinis mo sa room mo?” she asked. Sumilip pa siya sa pintuan.
“Ang painting na para po sana sa kaniya ay aksidenteng nabasag ko po,” sagot ko.
“Hindi ka naman siguro nasaktan, honey?” Umiling ako at yumakap lamang ako sa braso niya.
“Tara na lang po sa baba, Mom. Hayaan na po natin si manang na maglinis sa loob ng aking silid,” pag-aayang wika ko.
“Akala ko kung ano na ang nangyari, Francine,” aniya.