CHAPTER 9

2199 คำ
Chapter 9: Herodes KUMANTA sila ng birthday song for him but ako lang ang hindi sumasabay. Nakapaninibago dahil noong una ay boses ko talaga ang nangingibabaw at ang akala mo naman ay birthday ko. Ganoon ako ka-supportive May Kuya Khai. Nagiging OA na rin ako minsan. But now, pinili kong kumain at sinigurado ko talaga na mapupuno ang bibig ko. Wala namang nakapansin dahil busy sila. Hanggang sa isa-isa na silang nagbigay ng gift. For the first time ay hindi ako nakapagbigay sa kanila. Actually, nauna ko pa ngang hinanda ang painting na gusto niyang i-gift ko pero hindi ko ’yon dinala. Sinadya ko. “How about you, Francine? Where’s my gift?” tanong niya nang makuha na niya isa-isa ang mga regalo niya. Kainis, mapapansin niya talaga na wala pa akong naibibigay sa kaniya. Kahit sinadya ko naman. Sanay na rin naman kasi siya palagi akong may gift. “I forgot your gift, Kuya. Nagmamadali rin kasi ako kanina para ipagpaalam si Vira sa parents niya,” sabi ko at mariin na nakatikom lang ang bibig niya. Marunong na akong magsinungaling. “It’s okay, hija. Maibibigay mo pa rin naman siguro iyan sa ibang araw,” sabi ni Ninang J. Ngumiti lamang ako at ang softdrinks na naman ang ininom ko. Sorry po, Ninang. Maganda ang regalo ng girlfriend niya. Wristwatch iyon and it seems expensive rin siya. I heard na model si Calystharia at kahit bata pa siya ay sikat na siya dahil sa brand niyang pabango. So, alam ko na galing sa pera niya ang pambili niyon. “Ano ang gift ba na ni-request mo kay Francine, babe? Para hanapan mo pa siya ng gift?” Tumayo na ako nang marinig ko ’yon. Ayokong pag-usapan ang tungkol doon at sana huwag na niyang sagutin pa ang girlfriend niya. Baka pag-awayan pa nila. Psh. Hinubad ko ang dress ko at natira na lamang ang white bikini ko na hindi naman gaano ka-sexy. “Lagyan kita ng sunblock lotion, Francine.” I nodded sa sinabi ni Vira. “Tapos ikaw naman,” sabi ko at habang ginagawa namin iyon ay hindi ko mapigilan ang mapatingin kina Kuya Khai at Calystharia. Naglakad sila palapit sa board walk. Gusto nila yatang sumakay ng jetski. Nakabuntot naman si Sage. Mula pa kanina ay kumikirot na ang puso ko sa kanila. Kahit ano’ng klaseng iwas pa ang gagawin ko ay hindi ko rin talaga mapigilan. “Uy! Si Herodes! Des!” biglang sigaw naman ni Vira at todo kaway pa siya. “Oh, Alvira?” Boses nga iyon ni Herodes. Dahan-dahan ko siyang nilingon. Si Herodes nga. Naka-black sleeveless siya at puting shorts naman pababa. Slipper din ang suot niyang panyapak. “Francine.” Nang makita niya ako gumuhit ang matamis niyang ngiti sa labi. “Hi,” I greeted him with a smile. “Hello, Francine. This is unexpected!” he said. I shrugged my shoulders. Ang saya niya lang na makita ako rito. “Kasama namin ang family ko,” sabi ko. “Sino ang kasama mo, Des?” curious kong tanong. “Naisipan lang din ng parents ko na mag-unwind at napili namin ang pumunta sa beach,” nakangiting sabi niya at napatango-tango ako. Sinulyapan ko ang cottage namin at lahat ng mga taong nandoon ay nanonood na pala. Maganda ang panahon ngayon. Tamang-tama kapag gusto mong mag-beach. Maraming tao pero hindi naman siya magulo tingnan kasi may kalayuan ang bawat cottage nito. Maingay nga lang. Binalingan ko si Herodes. Kaklase namin siya dati, ngayong taon lang ay saka siya napunta sa kabilang section at siya rin ang tinutukoy ni Vira na manliligaw ko. Matagal na siyang nagpapansin pero friendship lang ang kaya kong ibigay sa kaniya. Kasi nga ay iba ang nilalaman ng puso ko. “Kilala mo naman ang mommy ko, Des. Batiin mo na lang siya roon,” sabi ko. Na parang binubugaw ko pa siya patungo sa cottage. “Naku! Ayoko nga. Nahihiya ako,” wika niya at napakamot pa sa batok niya. “Kay Francine ay hindi ka nahihiya? ’Di ba nililigawan mo siya? Kaya dapat ligawan mo rin ang parents niya.” Marahan kong siniko si Vira at sinamaan ko pa siya nang tingin. “Marinig ka ni dad,” paalala ko at tumayo ako sabay hila ko kay Des. “Tara, ipakilala kita sa kanila. Nandiyan din ang ninang ko and her family,” saad ko pa. Maski ang mga kapatid ko ay natigilan din. Si Cody na kunot na kunot ang noo. It seems ayaw niya sa ideya na may hinahatak akong lalaki. “Mom, Dad, Tito, at Ninang. Si Herodes Elfranco po, hindi namin siya kaibigan.” Tumingin ako kay Vira at kumindat. “Makikikain daw po siya,” biro ni Vira at nag-react si Des. “What?! Ay, hindi po! Kilala po ang dalawang ito,” defensive na sabi niya. “Kaklase namin po siya simula grade seven hanggang 8 pero ngayon po ay hindi na. But I consider him na po na friends namin ni Vira. Mabait na bata po ito,” sabi ko sabay tapik sa balikat niya. Namumula ang tainga at leeg niya dahil siguro sa kahihiyan. Bumubulong pa siya kasi sinabi kong ‘mabait na bata.’ “Des, batiin mo naman ang parents ko at ang family ng ninang ko,” utos ko sa lalaki. Nahihiya man siya ay binati niya rin ang mga ito. Si mommy na magiliw siyang inasikaso. Si dad naman ay ngumiti lamang siya. First time niyang hindi nag-comment, ah. I mean iyong umangal siya na ipinakilala ko sa kanila si Herodes. Siguro ay panatag din ang loob niya. Nagmula rin sa mayaman na pamilya si Herodes. Ang alam kong business nila ay mayroon silang ricemill at malaking farm sa isang probinsya. Iyon na ang hindi ko alam. Sa kanilang magkakapatid naman ay siya ang bunso. Napatingin naman ako sa tatlong papalapit sa cottage namin. Basang-basa na sila dahil tapos na yata silang mag-jetski? Super bilis naman. “Francine! Gusto mong nag-jetski tayo?” “Ha?” gulat kong tugon sa tanong ni Sage. To be honest ay gusto ko ang humor niya, I can even feel na minsan ay seryoso naman siya. Walang kaso sa akin ang pagiging feeling close niya. Friendly lang siya. Si Calystharia ay hinubad na rin niya ang dress niya at dala-dala iyon ni Kuya Khai. Nang mapansin ko ang pagtingin nito sa ’kin ay mabilis kong binalingan si Sage. “Hindi ako marunong, eh,” sagot ko lamang. “Tuturuan kita. Gusto mo? Tito Storm?” Nagkibit-balikat lamang si daddy sa paghingi nito ng permiso. “Just enjoy, habang nasa beach pa tayo,” my father said. Mag-o-overnight lang kami at kaya rin pinayagan si Calystharia ay dahil kasama niya si Sage. Malaki ang tiwala ng parents ng babae sa kaniya. “Uhm. . . Sige. Ikaw ba, Vira?” Palihim ko lang kinindatan ang best friend ko. “I like it. Tara, Des. Sama tayo. Marunong ka ba?” tanong niya kay Herodes na kumakain ng hotdog. “Yes,” tipid na sagot nito dahil ngumunguya pa siya. “Khai, Sage, Calystharia hija. Kumain muna kayo since tapos na kayong mag-jetski. Hayaan ninyo muna ang mga bagets,” sabi ni Ninang J na agad naman sinang-ayunan ng mommy ko. Lumubo ang pisngi ni Sage pero wala siyang nagawa nang hinatak siya ni Calystharia. Sa huli ay tatlo lang kami ang mag-j-jetski. “Sino ang mauuna na aangkas?” tanong ni Herodes. Nakasakay na rin siya sa jetski at ginulo-gulo pa niya ang buhok niya. Nagturuan naman kaming dalawa ni Vira kaya palipat-lipat ang tingin niya sa amin. “Si Francine muna,” aniya. “Siya muna, Des. Wait na lang ako here,” sabi ko. “Ikaw na muna, beh. May kinakain pa ako. Ayokong kumain ng maalat, ay,” nakangusong sabi ni Vira. Barbecue ang kinakain niya. Napahawak ako sa batok ko at tumango. “Pero gusto kong matuto, Herodes,” sabi ko at sumampa na ako sa likuran niya. Hinawakan ko lang ang magkabilang balikat niya at sinigurado ko rin na hindi kami magdidikit. “Tuturuan ka naman ng lalaking iyon pero ililibot muna kita,” wika niya. “Pero kapag ganyan ka kung makakapit ay hindi kita mapapansin na nahulog ka na pala sa dagat. What do you think, Vira?” “Agree to that, Des. Higpitan mo raw ang yakap mo sa kaniya, beh. Sa baywang ka kumapit.” I glared at Vira. “Oh, bakit? Gusto mong malaglag ka? BH ka na nga, eh. Dadagdagan mo pa?” ang nakataas na kilay na tanong niya. “Shut up, Vira.” Inirapan ko pa siya. “What is BH, Vira?” Herodes asked her. Curious si kuya. “Parang ikaw ay BH din, Des,” sagot lamang ni Vira. I know what is the meaning of that. It’s broken-hearted. Hindi na ako naging choosy pa at yumakap na ako sa baywang ni Herodes. Since, naka-life jacket naman kami. So, oks lang naman siguro, right? Mabilis ang pag-andar ng jetski dahil iyon kay Herodes pero talagang marunong siya nito. Ang kaso lang ay pareho kaming nabasa at napapikit na lamang ako habang tumatalsik ang maalat na tubig sa mukha ko. Umayaw agad ako nang balikan namin si Vira. Tawang-tawa naman siya sa nakitang ayos ko. Inambahan ko siya na sasabunutan. “Bahala na kayo riyan. Maliligo na lamang ako,” paalam ko. Sa halip na sa dagat ay pinili ko ang pool. May swimming pool kasi at malapit iyon sa hotel. Sa ibang daan ako nagtungo para hindi ako makita ng iba. Hindi ko naman sila pinagtataguan pero gusto kong mapag-isa muna. Wala masyadong naliligo sa pool at kung mayroon man ay mga bata lang na nasa edad na sampu. Ang nakabantay sa kanila ay ang staffs. Ayos iyon para mabantayan nila ang mga batang naliligo sa swimming pool at maiwasan ang trahedya. Hindi ko alam kung masyado ba akong nagtagal dahil nag-enjoy rin naman ako. Hindi rin malamig ang tubig. Natigil lang ako sa ginagawa ko nang makita ko si Kuya Khai. Mabilis akong lumapit sa pool side pero doon ako mismo nagtago. Ayokong makita niya ako rito. Nilubog ko pa lalo ang katawan ko. “Francine. Wala ka bang balak umalis dito? Kanina ka pa namin hinahanap.” Seryoso ang boses niya at nasa bandang ulo ko na iyon. Napatingala ako at nakaluhod na ang isa niyang binti. Umayos na ako sa pagkakatayo ko. “Ang sarap maligo rito, Kuya. Mainit ang tubig,” nakangiting pahayag ko pero hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Tumulis ang labi ko. Naglahad siya ng kamay at napatitig pa ako nang matagal doon. Inabot ko na lamang ang kaniyang kamay at inihaon niya ako. Mabilis na dumapo ang kamay niya sa baywang ko para mahila pa ako lalo. Pumuwesto siya sa likuran ko at binalot sa aking katawan ang malaking bimpo na dala niya. “Isa’t kalahating oras ka na rito,” sabi niya at hinawakan ang balikat ko saka kami sabay na naglakad. Hindi ko namalayan ang oras. Ang tagal din pala. Baka nga ay nag-worry na sila, na kung saan ako nagpunta. “Hindi na tayo babalik sa cottage, Kuya Khai?” I asked him dahil papasok na kami sa hotel. “Magpapalit ka lang ng damit mo. Doon pa rin tayo sa cottage kakain ng dinner,” sagot niya at inayos pa niya ang towel ko. Dala niya ang susi ng suite namin nina Vira at Calystharia, siya pa ang nagbukas nito. “Wear something comfortable, Francine. Sabay na tayong bababa, okay?” Tumango na lamang ako sa tanong niya at siya na rin ang nagsara nito. Dumiretso na muna ako sa banyo para magbanlaw at nag-shampoo na rin. I chose to wear my pink spaghetti strap dress. Isinuot ko na rin ang blazer ko at pinatuyo ko ang hair ko. Nagulat pa ako nang makarinig ako nang pagkatok sa pinto at bumukas iyon. Si Kuya Khai na tapos na ring nagpalit. Naka-sweater siya at shorts pa rin pababa. “Dapat nauna ka na sa baba,” aniko at nauna pa akong lumabas. Hinanap nga nila ako at si Vira ay nag-drama pa siya. Ilang beses niyang pinagkukurot ang tagiliran ko. Nandoon pa rin si Herodes kasi in-invite siya ni mommy ko na mag-dinner. “Saan ka nagpunta kanina?” bulong na tanong ni Herodes. Tumusok ako ng carbonara at nginuya ko muna ito bago ako sumagot, “Nasa pool area ako. Naliligo.” Sinamahan ko pa nang pagkibit-balikat. Binalingan ko naman ang nasa harapan namin. Ang love birds. Ngumiti ako kay Calystharia. I think wala siyang sinabi sa boyfriend niya kaya hindi rin aware si Kuya Khai tungkol sa biglaan kong confession. “Kain na, Des. Huwag mo nang landiin pa ang best friend ko,” bulong naman ni Vira. “Vira, tumahimik ka nga,” suway ni Des. Ang kulit nilang dalawa. Bahala silang mag-away riyan basta ako ay kakain na kasi nararamdaman ko na ang gutom ko. I smiled at Sage. Nasa gitna nila ni Kuya Khai si Calystharia. Napapansin ko ang paglalagay nila ng ulam sa plato nito. Ang suwerte naman pala talaga ng babae.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม