Chapter 8: Birthday
I WORE my pink blouse and white shorts. Mataas na nakatali ang buhok ko. Nagtungo agad ako sa kitchen namin. Wala na kasi sila sa sala namin kaya baka nauna na rin sila roon.
“Mom?” tawag ko mommy ko at nagtatakip na siya ng tupperware.
“Hon, puwede bang makisuyo? Dalhin mo ito sa ninang mo, anak,” utos niya. Ang malaking tupperware ay naglalaman ng pasta at gusto ni mommy na ihatid ko ito.
Nakaupo na sa highchair ang dalawa kong kapatid at abala na rin sila sa pagkain nila ng pasta. Sarap na sarap ang baby siblings ko. Ang dudungis ngang kumain.
“Ako po, Mommy?” Itinuro ko pa ang sarili ko. Tumango siya.
“Mabilis lang ito, anak. Iaabot mo lang ito sa ninang mo,” sabi niya at napanguso ako. Tinawanan niya lamang ako.
Si daddy lang ang wala pa sa bahay at siya sana ang gusto kong magdala nito dahil alam ko naman na susunod agad si dad. Hindi dahil inuutusan ko siya, ha.
Dinala ko na lamang ang tupperware at nararamdaman ko pa ang init nito. Mabagal pa ang paglalakad ko sa takot na ma-out balance ako at matapon ko pa ang pasta. Sayang ang luto ng mommy ko na hindi matitikman ng aking ninang.
Kinakabahan na naman ako dahil baka magkita kami ni Kuya Khai. Kapag naibigay ko na ito kay Ninang J ay saka ako magpapaalam na aalis na. Ayokong makita si kuya kasi nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko kanina. Tsk. Bakit ba kasi ang daldal ko?
Parang gusto ko na ring umatras dahil nasa labas siya. Nakaupo lang siya roon sa hagdanan na malapit sa front door nila. Hindi pa siya nagpapalit ng uniform niya at hawak niya ang gitara niya. Nagpapatugtog yata siya.
Napahinto siya nang makita niya ako. Ibinaba niya sa bermuda grass ang gitara niya at nilapitan niya ako. Walang salitang namutawi mula sa bibig niya at basta na lamang niyang kinuha ang tupperware mula sa aking mga kamay.
“Mainit ’to, ha.” Doon lang siya nagsalita.
“Ah. . . Bigay ’yan ni mommy, kay Ninang J,” sambit ko.
“Wala pa rito si mommy. Nasa labas pa sila ni dad. Kung ganoon, kailangan mo siyang hintayin para sabihin ’yan na bigay ng mommy mo,” sabi niya at kumunot ang noo ko. Kailangan ko pang mag-stay rito para lang hintayin ko si Ninang J? Hindi ba puwedeng siya na lang?
“Puwede mo naman kaya sabihin sa mommy mo. Naghihintay ang mommy ko. Aalis na ako,” paalam ko at bago pa man ako makaalis ay sumulpot na ang mga kapatid niya.
“Ate Francine!”
“Hello po, Ate!” Nakangiting humarap naman ako dalawang bubwit.
“Hi! May pasta na binigay sa inyo si mommy. Kainin ninyo ’yan, ha? Magtira lang kayo para sa mommy at daddy niyo.” Ginulo ko pareho ang mga buhok nila at tumalikod na ako pero hinila pa nila ang laylayan ng damit ko.
“Ate Francine, kain po tayo ng pasta!” bulalas ni Jessey.
“Na kay kuya ninyo na. Siya na ang bahala,” sabi ko at ininguso ko ang kuya nila. Tumalikod lang si Kuya Khai at nagsimulang maglakad. Parang wala siyang narinig at basta na lamang niya kaming iniwan dito.
No choice na ako kundi ang samahan ang dalawang bata at ako pa ang nagpakain sa kanila ng pasta. Ang magaling nilang kuya ay nakikikain din. Naka-uniform pa rin siya. Wala ng balak na magpalit pa. Uminom lang ako ng tubig at pinagmamasdan silang kumain.
“Ayaw mo, Ate?” tanong ni Seth.
“Gusto ko pero sa bahay na lang ako kakain kasi para sa inyo ang pasta na bigay ni mommy,” paliwanag ko kay Seth.
“Hindi ba favorite mo ang pasta, Ate?” tanong naman ni Jessey. Ibinaling ko ang tingin ko sa nag-iisang anak na babae nina Ninang J at Tito Rykiel.
“Noon ’yon pero iba na ang gusto ko. Mas gusto ko ang maanghang,” sagot ko at kumuha ako ng table napkin saka ko pinunasan ang gilid ng labi ni Seth. Nakangiting nagpasalamat siya na nginitian ko lamang.
“Like what?” Kuya Khai asked.
“Basta maanghang. Baka iyong street food,” sagot ko nang hindi ko siya tinitingnan. Nasabi ko na lamang ang street food.
“Hindi ’yon healthy,” sabi niya at nagkibit-balikat lamang ako.
Natapos sila sa pagkain at nagpresenta na rin si Kuya Khai na hugasan ang pinagkainan nila at doon na ako nagpaalam.
“Francine.” Mariin akong napapikit. Aalis na nga ako ay saka pa niya ako tatawagin. Psh. Nakaiinis na, ha.
“Bakit po?” I asked him politely.
“Bago ka umuwi sa inyo ay kunin mo ang isang ice cream doon at dalhin mo sa bahay ninyo,” sabi niya at nalilitong tiningnan ko siya.
“Ha?”
“Sa ’yo na ang isa o kainin ninyo ng mga kapatid mo. Ako ang nag-order kanina.” Hindi na lamang ako nagtanong pa at naglakad na ako palapit sa ref saka ko iyon binuksan. Kinuha ko ang ice cream na tinutukoy niya at dalawa pa ang nasa ref nila.
“Thank you for this, Kuya,” pasasalamat ko saka ko siya iniwan doon.
“Natagalan ka yata, hon?” salubong na tanong ni mommy. I nodded.
“Pinakain ko po sina Jessey at Seth. Wala po roon si Ninang J pero nandoon ang kuya nila,” I stated. Tumango-tango lang si mommy saka niya ako iginiya papasok.
“Good Girl. Tamang-tama ’yang ice cream na dala mo, anak. Kainin na natin ’yan,” Ngumiti lamang ako.
Pagkauwi naman ni dad ay ako ang pinuntahan niya sa kuwarto ko. Hindi pa siya nakapagpapalit at sumilip na siya sa room ko.
Nagmamadali naman ako paglapit kay daddy. Hinalikan ko siya sa pisngi at yumakap sa braso niya. “Nag-aalala ka pa rin sa ’kin, Dad?” tanong ko. He kissed my temple.
“I just want to check you and yes, I’m still worried but I know you can do it, honey.” Malaki nga ang trust ng aking ama na makakaya kong harapin ang problema ko about love at hindi ko sila bibiguin ni mommy.
***
PINAKIUSAPAN ko na si daddy na siya na ang maghahatid sa akin sa school at magpapasundo na rin daw ako sa family driver namin pero paglabas ko nga ay nandoon na si Kuya Khai na halatang kanina pang naghihintay.
When he saw me, he opened the door car. Sa paraan nang pagtitig niya ay alam kong gusto niyang sumakay na ako.
Sinabi ko na kaya sa kaniya kahapon na hindi na niya ako kailangan pang ihatid sa school ko dahil may iba na siyang ihahatid.
“Kuya, ’di ba sinabi—”
“Tito, isasabay ko na lamang po si Francine,” pagpapaalam niya sa daddy ko na nakasunod sa aking likuran.
Sinulyapan ko si daddy. “To move on, you need to stay with him for awhile, hon. Just like what you said, para masanay ka na rin na hindi mo na siya kasama pa sa susunod,” he whispered. Hinalikan niya lang ang pisngi ko at siya mismo ang nag-akay sa ’kin palapit kay kuya. “Just take care of her, hijo. Sulitin mo na rin ang mga oras na kasama mo pa siya. I heard that you have a girlfriend already,” my father said. Tipid na ngumiti lamang si Kuya Khai.
Nang nasa kotse na kami ay hindi na uli ako nanahimik at nagdaldal na ako para hindi siya makahalata. Pagdating namin sa school ay hindi agad ako umalis.
“Kuya, ayos lang naman kung isasabay mo na rin ang girlfriend mo. Tapos sa uwian po ay puwede—”
“Maaga kitang susunduin. Hindi mo na kailangan pang maghintay sa akin nang matagal,” putol niya sa sasabihin ko pa lamang. Napanguso ako. Hindi pa ako tapos magsalita.
“Bahala ka po,” sabi ko na lamang.
Kuya is true to his words dahil mas maaga nga siya pero may kasama naman siya.
“Here’s your kinakapatid, babe.” Si Calystharia naman ang kasama niya.
Sa backseat ako dumiretso kasi pinili ko naman iyon. Alangan naman doon ako sa tabi niya, eh nandoon ang girlfriend niya?
Matulin lumipas ang araw at dumating na rin ang 22nd birthday niya. Sa beach kami nagpunta at invited ang girlfriend niya. Kasama naman nito ang best friend niyang lalaki na si Sage. Kaedad niya lamang ito.
Ang ganda pa ng suot niyang sleeveless yellow dress. Yellow rin sana ang summer dress ko pero pinalitan ko na iyon sa white off-shoulder dress. Si Kuya Khai ay white polo and black shorts ang suot niya. Naliligo na sa dagat ang mga kapatid ko. Sina dad at Tito Rykiel ang nagbantay sa kanila. Ang kukulit din kasi.
Habang sa cottage ay sina mommy at Ninang J naman ang nag-aasikaso ng food namin. That guy na si Sage ay siya ang nagluluto ng barbecue. Magkatabing nakaupo sa labas ng cottage.
Ang sakit sa mata panoorin ang love birds. Mabuti na lamang ay kasama ko si Vira at nasa kabilang cottage kami kung saan naman na may duyan dito.
“Infairness, beh. Ang ganda nga ng girlfriend ni Kuya Khai. Rich kid din pero nakikita ko na suplada nga siya. Anyways, ang pogi rin ng best friend niyang si Sage. Parang, sila ang mas bagay,” nag-d-daydream na sambit ni Vira. I took a deep breath and stood up. Malabo iyon.
“Kukuha ako ng barbecue. Gusto mo ba, Vira?” tanong ko sa best friend ko. Kumakain siya ng spaghetti at fried chicken. Mabuti ay hindi naaalog ’yon dahil sa gumagalaw niyang duyan.
“Sige, dalawa ang akin, beh,” she said.
Lumapit ako sa pinaglulutuan ng barbecue. “Hon, gusto ninyo po ng food ni Vira?” tanong ni mommy.
“Barbeque lang po ang kakainin namin, Mom,” sagot ko.
“Vira, sweetie. Kumuha ka lang ng food dito, ha?” wika ni Ninang J.
“Okay po, Tita!” sagot naman ni Vira.
“Gusto mo ng barbecue?” nakangiting tanong ni Sage. Matangkad siya at maganda rin ang pangangatawan niya. Ang tangos ng ilong niya at kakaiba ang eyes niya, masyadong malalim. Guwapo naman si Sage. Ang suwerte rin ni Calystharia.
“Yeah. Dalawa iyong para sa best friend ko at isa naman akin. Tingnan ko na lang ang isang ito,” sabi ko at hahawakan ko pa lang sana ang stick nang mabilis niyang inagaw iyon.
“Ako na ang bahala. Mainit kasi siya,” sabi pa niya. Mabait naman at mukhang friendly si Sage.
“Okay,” nakangiting sabi ko rin.
“Masarap kapag may sauce. Mahilig ka ba sa maanghang? Dahil gagawa ako ng sauce at dadamihan ko ng sauce,” aniya.
“Yeah. Gagawa ka no’n? Bigyan mo ako, ha?”
“Of course. Paborito rin kasi ito ni Calystharia. Gusto niya sa maaanghang,” he stated. Titingnan ko pa lang sana ang dalawa nang makita kong nasa tabi na namin sila.
“Sage, pahingi ako ng barbecue.”
“Ilan ba ang gusto mo, Francine?” Nagulat naman ako nang nasa likuran ko na si Kuya Khai at may dala na siyang plato. Kinuha niya ang mga lutong barbecue.
“T-Tatlo lang ang hihingiin ko,” sagot ko at ibinalik ko ang dalawa saka ako dumistansya. Nailang ako bigla.
Ang nakangising si Vira ang sumalubong sa ’kin sa kabilang cottage. “I smell something fishy between Sage and Calystharia,” she said. I frowned.
“What do you mean by that, Vira?” I asked her in confused.
“Noong nakita kayong magkatabi na at nag-uusap ni Sage ay naunang tumayo si Calystharia. Lumapit siya kay Sage at ganoon din ang ginawa ni Kuya Khai. Ewan ko lang, pero ang cute ninyong apat, eh.” Umikot na lamang ang mga mata ko at kumagat ng barbecue pero napaso lamang ako dahil sa init nito.
“Francine! Gagawa pa ako ng sauce. Gusto mo pa rin ba?” tanong ni Sage. My gazed shifted to him.
“Yes,” I answered. Inabutan naman ako ni Vira ng tubig. Ininom ko iyon at ramdam ko pa rin ang init sa dila ko.
“Hay, parang ang interesting ng love life na magaganap sa pagitan nina Sage at Calystharia.”
“Stop it, Vira. Bakit mo naman sila pinagpapares? Girlfriend iyon ni Kuya Khai at sa tingin ko naman ay walang namamagitan sa pagitan ng mag-best friend. Ikaw, ha. Ang galing-galing mong mag-imbento. Siguro writer ka, ’no?” biro ko sa kaniya.