CHAPTER 7

2089 คำ
Chapter 7: Stalking them I’M STILL lucky to have my parents by my side, dahil hindi nila ako pinabayaan. Sinusuportahan nila ako sa mga bagay na gusto ko at nang sa kauna-unahang pagkakataon na nasaktan ako ay wala silang ibang ginawa kundi ang i-comfort ako. Si mommy ang katabi kong natulog kagabi. Parang isa pa rin akong bata kung kantahan at patulugin ni mommy pero kahit papaano naman ay gumaan ang pakiramdam ko. Si dad naman ang bumungad sa akin in the next day. He cooked for our breakfast. “Gusto mo bang ihatid na lang kita sa school ninyo, honey?” I shook my head for his question. “Sasabay pa rin po ako kay Kuya Khai, Dad,” sagot ko at mataman pa niya akong tinitigan. “Don’t worry about me, Daddy. I can handle myself po. Gusto ko lang pong sanayin ang self ko na one day ay hindi ko na po makasasama si kuya,” paliwanag ko na may ngiti sa labi. Hindi agad umimik si dad at sinapo niya lang ang pisngi ko. Hinawakan ko iyon at mas ngumiti pa ako. “I know you’re not okay, hon. But I trust you. You’ll be fine. Mas malakas ka pa kaysa sa amin ng mommy mo, emotionally and mentally,” nakangiting saad niya at tinanguan ko. Malaki nga ang tiwala ni dad at hinayaan niya akong sumabay lang kay Kuya Khai. Nagpanggap lang ako na parang walang nangyari at ayos lang ang lahat. Binati ko pa nga siya at matamis na ngumiti. Suot ko pa ang hairpin na bigay niya at ipinakita ko iyon sa kaniya. Noong nakita ko ang ngiti niya ay tila matutunaw na naman ang puso ko. To be honest, mugtong-mugto ang mga mata ko sa kaiiyak ko kagabi. Si mommy ang naglagay ng foundation sa face ko at hindi halata ang pamumugto nito, plus nagsuot ako ng eyeglasses. “What’s with the eyeglasses, Francine?” naaaliw na tanong niya. Nag-d-drive na siya at nakatutok sa road. “Naisipan ko lang pong suotin ito dahil mamaya ay mag-aaral ako nang mabuti,” sagot ko kay kuya. Saglit pa niya akong sinulyapan. “Kagabi, umuwi ka man lang na hindi nagpapaalam sa ’kin. Hinanap pa kita,” he said. “Ngek. Ang lapit-lapit lang po ng house namin, Kuya. Hindi mo ako kailangang hanapin. Kapag wala na ako sa mansion ninyo, meaning ay nakauwi na rin po ako,” wika ko at ilang minuto pa siyang natigilan. “Ano’ng iniisip mo?” I asked him. Curious ako kung bakit bigla siyang nanahimik. “What do you think about my girlfriend, Francine?” Upon hearing that word came from his mouth ay bumigat ang dibdib ko at nagsisimula ko na namang maramdaman ang pagkirot nito. I don’t know if aware siya sa feelings ko towards him but on second thought ay sana hindi na lang. Dahil baka may magbago rin sa pagitan namin. Ang relasyon na malabong mabibigyan kami. Sapat na ang ipinapakita niyang atensyon na alam ko someday ay mawawala na rin iyon. Ayokong umiwas siya dahil lang sa kagustuhan niya na kailangan ko siyang kalimutan at mag-move on. Siguro nga ay isa rin akong martyr at sinasabi nila na bata pa ako, na magbabago pa rin ang feelings ko. Iyon ang hindi ko natitiyak. Ilang taon kong minahal si Kuya Khai at mahirap siyang kalimutan na lang bigla. “She’s pretty, Kuya. But her eyes, she looks like maldita,” paliwanag ko at ang akala ko ay may negative comment siya pero humalakhak lamang siya. “Really? Well, ganoon nga siya, baby,” he uttered. Kung dati ay gustong-gusto ko ang pagtawag niya sa akin na “baby” ngunit ngayon, parang ang sakit na pakinggan. “Saan po kayo unang nagkita ni Calystharia?” Isang katangahan ang magtanong pa tungkol doon. Na tila ba interesado akong malaman na kung paano nagsimula ang love life nila. Na parang gusto ko rin na masaktan nang sobra. “Sa isang pasta house. Pasta is her favorite food,” he answered and I nodded. We reached our school. Even though gusto kong makasama nang mas matagal si Kuya Khai ay kaakibat na sakit na iyon sa tuwing makikita ko ang guwapo niyang mukha. Maaliwalas kasi ang bukas ng mukha niya and he looks happy. “Ingat ka po, Kuya,” aniko. Kumaway pa ako saka ko siya tinalikuran. Naglalakad na ako nang tinawag naman niya ako. Dahan-dahan ko siyang nilingon. “Bakit po, Kuya? May nakalimutan po ba ako?” tanong ko. Hayan na naman ang mapanuri niyang tingin. Nahahalata niya kaya ako? “Are you okay?” Confirmed, napapansin niya yata na may kakaiba sa sarili ko. “Oo naman po,” sagot ko at humakbang siya palapit. Nagawa kong umatras nang tatlong hakbang at natigilan siya. “You’re gonna be late, Kuya. Sige na po, umalis ka na,” sabi ko pa. Muli akong tumalikod dahil ayoko nang magtagal pang kasama siya. “Francine.” Napanguso ako at muli ko siyang nilingon. “Ang kulit mo naman po,” komento ko at tumaas ang sulok ng mga labi niya. “Nag-aalala ako sa hindi ko malaman na kadahilanan. Sige na, pumasok ka na. Aalis na rin ako.” I just nodded at tuluyan ko na siyang iniwan doon. Pagpasok ko sa classroom namin ay sumunod na pumasok si Vira. Tahimik siyang umupo sa tabi ko at kumakain na naman siya ng lollipop. “Early in the morning ay lollipop na naman ang kinakain mo, Vira. Hindi ka ba pinagbabawalan ng mommy at daddy mo?” tanong ko. Pinanliitan pa niya ako ng mata. “Lol, hindi na ako bata para pagbawalan nilang kumain ng lollipop. Anyways, I can feel the unfamiliar aura mo. May problema ka ba, Francine? You looks sad din,” she said. Best friend ko nga siya. Sa unang tingin pa lang niya ay malalaman na niya na may nangyaring kakaiba sa sarili ko. Nangalumbaba ako at napatitig sa blackboard namin na may nakasulat na “stupid love.” Nagsalubong ang kilay ko. Maaga pa kaya kaunti pa lang kami ang nasa classroom. Pero maingay pa rin sa loob kasi nagkukuwentuhan ang mga lalaki at nagtatawanan pa sila. “Burahin ninyo nga ’yan! Masakit sa mata!” sigaw ko at nagulat ang mga kaklase namin. “Ang alin, Francine?” tanong ng isa kong classmate na lalaki. Itinuro ko ang nakasulat sa pisara. “Hayon, oh. Ang bata-bata pa ninyo ay ’yan na agad ang inaatupag ninyo? Naku, naku, naku,” naiiling na sabi ko at tumayo ako para burahin iyon. Bumalik ako sa puwesto ko at natulala lang si Vira. “What?” I asked her. Mabilis niyang hinipo ang noo ko. “Are you okay, Francine? Ano’ng nangyari sa ’yo and feeling ko nagbago ka ng isang araw lang?” I chuckled softly. “I’m brokenhearted,” I replied. Kumiling lang ang ulo ko na parang hindi siya naniniwala. “Kagabi ay ipinakilala ni Kuya Khai ang girlfriend niya sa family niya at nandoon din ako sa mga oras na iyon.” Nalaglag mula sa bibig niya ang lollipop sa gulat. “Talaga?!” sigaw niya at napatayo pa siya. For the second time around ay nagulat na naman ang mga kaklase namin. “Haist. Sit down, Vira.” Parang nauupos na kandila kung makaupo siya. “Kaya ba parang naging matured ka agad, Francine? I mean your attitude.” I shrugged my shoulders. “Basta ang alam ko ay brokenhearted ako. Nasasaktan ako. Kagabi nga ay grabe ang pag-iyak ko. Iniyak ko lang nang isang gabi,” paliwanag ko pa at hindi na siya nakapaimik pa. Inabala ko ang sarili ko sa discussion ng teacher namin kahit na may mga pagkakataon ay naiisip ko pa rin siya. Maaga kaming na-dismissed sa klase namin. Ayaw pa akong iwanan ni Vira, napilit ko rin naman siya. Hanggang sa makita ko ang kotse ni Kuya Khai. Sa halip na magpakita ako ay nagtago pa ako dahil nakita ko si Calystharia na lumapit. Bumaba si Kuya Khai at sinalubong pa niya ng halik sa noo nito ang girlfriend niya. Pinagbuksan niya ito ng pinto at inalalayan niya itong makasakay. Mabilis siyang umikot sa driver’s seat. Ilang beses pa akong napakurap-kurap nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan niya. Pareho ang uniform na suot ni Calystharia sa university ni Kuya Khai. Pero hindi ko alam kung bakit nasa school namin siya at mukhang. . . Alam ko na ang dahilan kung bakit kailangan kong maghintay pa nang isang oras dahil hinahatid pa niya ang girlfriend niya sa bahay nito. Isa’t kalahating oras ang hinintay ko roon at ni hindi ko ginalaw ang drawing tablet ko. Tahimik lamang akong nakaupo at binilang ang mga kotseng isa-isang nagsialisan. Umayos lang ako mula sa pagkakaupo ko nang makita ko na ang car niya. Bumukas ang pinto at umibis siya mula roon. Diretso ang tingin niya sa waiting area at hindi man lang ako tumayo para lapitan siya. He walked towards my direction. Nag-iwas ako nang tingin at tumayo na rin ako. Nakangiti agad siya at huminto sa paglalakad nang makita niyang palapit na rin ako pero nilagpasan ko siya at dumiretso ako sa sasakyan niya. “Francine?” tawag niya. “Umuwi na po tayo, Kuya,” sabi ko lamang. Nagsalpak agad ako ng earphone at sinigurado ko na malakas ang volume nito. Pumikit din ako. Ginagawa ko lamang ito upang hindi na niya ako kausapin pa. Gusto kong manahimik muna. For the first time ay hindi ko ginusto ang kausapin siya ngayon. Na kung dati ay sinusulit ko lamang ang kaunting oras na magkasama kami. Sa nararamdaman ko ay alam kong magkakaroon na ng pagbabago sa amin. Napadilat lamang ako nang natanggal ang isa kong earphone at nilingon ko siya. He looks worried. “What’s wrong, baby? Bakit ang tahimik mo ngayon?” Manhid siya kung hindi niya nararamdaman na nasasaktan ako. “Dahil po ito sa menstruation ko, Kuya. Kanina pa masakit ang puson ko,” sagot ko sa kaniya at parang ayaw niyang maniwala. Doon ko lang na-realize na nasa bahay na pala kami. Tinanggal ko ang seatbelt at binuksan ko na ang pinto. Hinintay ko na muna siya makababa. I smiled at him. “Salamat po. I think, next time. Si daddy na lang po ang maghahatid sa akin sa school at magpapasundo na rin.” “Bakit?” tanong niya na halata sa boses niya ang pagkalito. “Gusto kong. . .umuwi agad, Kuya. Ayokong maghintay pa roon ng isa’t kalahating oras at binibilang ko lang ang mga kotseng isa-isa nang paalis,” sagot ko at umasang ang labi niya sa gulat. “May girlfriend ka na po. Siguro ito na ang huling ihahatid at susunduin mo ako.” “Francine—” “Nakita po kita kanina sa school. Hinahatid mo si Calystharia sa house nila, tama? Kaya po, huwag na kayong mag-abala pa na ihatid ako sa school ko o huwag ka na ring bumalik doon para sunduin ako. Si daddy na lang po ang tatawagan ko,” sabi ko pa at tinalikuran ko na siya. Ayoko sanang sabihin pa ang nakita ko pero gusto kong malaman niya na may hinanakit ako. Dahil sa paghihintay ko nang matagal doon. Puwede naman niyang sabihin na mauna na akong umuwi at hindi na niya ako maisasabay pa. Gusto kong magsabi siya ng dahilan kung bakit siya natatagalan sa pagsundo sa ’kin. Last na ’to, hindi na rin ako mag-s-share pa ng mga bagay-bagay na hindi naman siya involved. “Welcome, Ate Francine!” Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang sinalubong ako ni Pressy. Mahigpit siyang yumakap sa binti ko kaya naman ay pinangko ko siya. Ilang beses kong hinalikan ang pisngi niya. “Thank you, Pressy.” Ngumiti rin ako kay mommy. Humalik pa siya sa noo ko bago niya kinuha si Pressy. “Umakyta ka na sa room mo, hon at magpalit. Nagluto ako ng pasta.” Natigilan ako sa narinig. “Pasta?” tanong ko na tinanguan ni mommy. “It’s your favorite.” Tama, paborito ko nga ang pasta pero ngayon ay hindi na. “Ang batang ako lang po, Mom. Ngayon ay iba na ang favorite food ko. Gusto ko na po ang maaanghang,” aniko at kumunot ang noo niya. “Pero kakain pa rin po ako dahil luto ninyo ’yon, Mommy. Sige po, bababa agad ako,” sabi ko. Hinalikan ko sa pisngi ang aking ina at saka ako nagmamadaling umakyat.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม