CHAPTER 16

1672 คำ
Chapter 16: Goodbye kiss “ANYWAYS, I thought out of town kayo ng girlfriend mo, Kuya? Bakit nagawa mo pa akong sunduin doon sa bar?” I asked him in confused. Si Kuya Thyzer pa talaga ang nagsabi sa kaniya kung nasaan ako at naguguluhan ako sa mga ikinikilos niya. Hindi naman niya ako kailangan pang sunduin doon para lamang iuwi niya ako sa house namin. Bakit ba kasi nag-aabala pa siya? “Hindi kami nag-out of town, Francine. May tiningnan lang akong property at sumama lang si Calystharia, but she’s with Sage,” he explained. Hindi naman niya kailangang magpaliwanag, ha. Nagsabi lang din ako sa nalaman kong nag-out of town sila. “Kuya, hindi mo naman ako responsibilidad. Puwede po akong magpahatid kay Jessrill at nandoon pa rin naman po si Kuya Thyzer,” giit ko pa rin at mabilis naman niya akong sinulyapan. Ang seryoso pa rin niya. Sobrang strict niya na iisipin na ng tao na kuya ko nga siyang tunay. “Why are you keep telling me that, Francine?” he asked. Magsasalita pa sana ako about that matters ay pinigilan ko na lamang ang sarili ko at bumuntong-hininga. Tumingin pa siya sa legs ko at inayos ko ang coat sa balikat ko para matakpan ko ’yon saka ako tumikhim. “Huwag ka na ring pumunta pa roon kung wala kang kasama.” Napabaling ako sa kaniya. “May kasama naman po ako. Nandoon si Jess—” “Shut up.” Napanguso na lamang ako sa sinabi niya. “Ni-s-shut up mo ako, Kuya?” Tumaas ang sulok ng mga labi niya sa sinabi ko. Natahimik na rin kami after that at sumandal na ako sa headrest ng inuupuan ko. Nag-drive lang din siya at hanggang sa ipikit ko ang mga mata ko. Hindi ko na nga namalayan na nakaidlip na pala ako. Naalimpungatan lang ako nang may humaplos sa pisngi ko at una kong nabungaran ay ang mukha ni Kuya Khai na malapit sa akin. “We’re here. Come on. You need to rest,” he said. Nasa baba na nga siya at tinanggal niya ang seatbelt ko. Bago niya ako inalalayan na umibis mula sa sasakyan. Muntik pa akong ma-out balance dahil kagigising ko lamang. Napahawak ako sa braso niya at nakaalalay naman siya sa likuran ko. “Ayos na ako rito, Kuya. Pumasok ka na rin sa house niyo,” sabi ko at tatanggalin ko na sana ang coat na nakapatong sa balikat ko nang pinigilan niya ako. “You go first,” he just said. I sighed. Hinatid niya nga ako hanggang sa main door namin. Hindi siya aalis agad kapag hindi niya ako makikita na pumasok. “Good night,” I told him at matamis na nginitian ko pa siya sabay bigay ko sa kaniya ng coat niya. Kinuha naman niya ang coat niya at tumitig pa siya sa mukha ko. May ilaw sa main door dahil may mga poste rin at talagang makikita ko rin siya nang malinaw. “Francine. Won’t you kiss me on the cheek like you did to Jessrill earlier?” he asked suddenly. “Huh?” gulat na tugon ko naman and my eyes widened. “Is that still necessary? Sige na, Kuya. Go to your house na rin,” pagtataboy ko sa kaniya. Hindi yata siya napapagod o inaantok man lang. Gusto pa niyang magtagal dito. “I used to have a goodnight kiss from you, Francine. So, why aren’t you doing it now?” he asked and it made me gasp. “Kuya, our situation is different now. Kung dati ay oo madalas kong gawin iyon. Kissing you on the cheek means nothing. But now it’s not like that anymore. I’m a young lady and you’re a young man also, and have a girlfriend. Sana lang ay huwag mo na akong titingnan pa na parang bata. Don’t treat me like that anymore, please. I’m a lady and I know what I’m doing now, Kuya,” mahabang paalala ko. Hindi na kasi ako natutuwa pa na ituring pa niya ako na parang bata at ngayon ay hinihigpitan niya ako. Parang kapatid niya ako kung umasta siya at ayaw na ayaw niya ang lumalabas ako sa bahay. Ayoko ng ganoon. Kung dati ay natutuwa pa ako na palagi ko siyang kasama pero ngayon ay hindi na. I love him and it hurts to just avoid him all of a sudden but that’s the only way I don’t get hurt more. I distanced myself from him for now. Humakbang siya palapit sa akin at gustong-gusto kong umatras pero curious ako kung ano ang gagawin niya. Bumilis ang t***k ng puso ko nang hawakan niya ako sa batok ko at kasabay nang pagdampi ng labi niya sa noo ko. Ingat na ingat siya at napapikit na lamang ako dahil iba ang hatid niyon sa akin. Ibang klaseng emosyon iyon. “You talk too much. Ayoko nang makita ka pa roon sa lugar na iyon, Francine. Even if I’m far away, expect me to know where you’ll still go. Good night, baby,” pagpapaalam niya at saka niya ako tinalikuran. Parang na-freez na rin ako mula sa kinatatayuan ko dahil talagang nagulat ako sa ginawa niya. Humigpit ang hawak ko sa string ng slingbag ko at ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. “Kung ako si Calystharia ay pagbabawalan na kitang makipagkita sa ibang babae!” sigaw ko kahit hindi na niya ako maririnig pa. Nagpadyak pa ako dahil sa nararamdaman kong inis. Naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko dahil ganito pa rin ang t***k ng puso ko. Walang pinagbago. “Hon?” Napalingon naman ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ng daddy ko at napangiti pa siya nang makita ako. Lumapit naman ako sa kaniya at hinalikan ako sa pisngi ni daddy. “Are you okay, Francine?” he asked me worriedly. “I’m fine, Dad. Sinabi po ba sa inyo ni mommy kung saan ako nagpunta?” I asked him and he nodded. “Yes, she told me you went to the bar with Vira. You know that I don’t want to be strict on you, honey. Malaki ka na at alam kong alam mo na ang mali at tama. I trust you, anak,” nakangiting sambit niya at naglalambing na niyakap ko ang braso niya. “Ang epal lang po talaga ni Kuya Khai, Dad. Hindi pa tapos ang party namin doon sa bar ay inuwi na niya agad ako,” nakangusong sabi ko at iginiya na niya ako papasok sa loob ng house namin. “Really?” naaaliw na tanong niya at tumango ako. “Tapos, Dad. Naghihingi pa po siya ng goodbye kiss. May girlfriend na po siya, pero gusto niyang i-kiss ko rin siya? Kasi iyon daw po ang ginawa ko kay Jessrill. Nahihibang na po ba siya, Dad?” pagkukuwento ko pa sa aking ama. Natawa lamang siya. “Who’s Jessrill, anak?” tanong pa niya. “He’s a good friend of mine, Dad. Kaibigan din po siya ni Kuya Thyzer,” sagot ko at napatango-tango siya. “How’s the party, honey?” I smiled at my mom. “Masaya naman po, Mom,” sagot ko at humalik sa cheek niya. “Good to hear that, Francine,” she said. “Not until dumating si Khai para lang iuwi siya,” ani dad and I nodded. “Napaka-killjoy niya po talaga, Mommy,” sabi ko at katulad ni dad ay tumawa lang din siya. Nakipag-chitchat pa ako sa parents ko at hinanap ko pa ang baby siblings ko na tulog na raw ang mga ito. Kanina ay hinanap pa nila ako. “Anyway, hon. Mag-a-out of town kami ng dad mo,” ani mommy at palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. I nodded. “Honeymoon?” nakataas ang kilay na tanong ko at nakita ko pa ang pagpula ng magkabilang pisngi ng mommy ko, saka siya nag-iwas nang tingin. Si dad naman ay ngumiti lang din. Kahit matatanda na sila ay talagang nandoon pa rin ang kilig at pagmamahal na nararamdaman nila sa isa’t isa. I’m happy for them. “Ako po ang bahala kina Cody at Pressy, Mom, Dad. Just enjoy po,” aniko. Hindi na kasi ito ang unang beses na mag-a-out of town ang parents ko. Ginagawa nila ito for their quality time. Noong bata pa lamang ako ay iniwan lang nila ako sa grandparents ko. Kahit noong dalawa na kami ni Cody. “You sure, hon?” my mom asked me. I nodded. “I’m eighteen, remember?” paalala ko at sila naman ang napatango. “Kasama namin ang parents ni Khai, Francine. So, Khai will checking you from time to time. Expect that, hon,” sabi naman ni dad at umawang ang labi ko sa gulat. “Dad, hindi na po kailangan,” umiiling na sabi ko. Humalik lang siya sa sentido ko. “Come on, umakyat ka na sa kuwarto mo, anak. Take your rest,” he said at nang balingan ko si mommy ay ngumiti lamang siya sa akin. NANG magpaalam ang parents ko sa amin ay lahat kaming mga anak nila ay nasa labas. Katabi ko ang baby siblings ko at sa kabila naman ay sina Kuya Khai, Seth at Jessey. Nakaakbay ako kay Cody, matangkad na siya kasi he’s already in his teenage era, eleven-year-old, while Pressy is eight years old. “Kailan po ang balik niyo?” tanong ni Kuya Khai at hinarap siya ni Ninang J. “After a week, son. Ikaw na muna ang bahala sa mga kapatid mo, okay?” sabi nito at sinulyapan pa niya kami. “Ang dalaga ko, Khai. Ayaw niya nang may tumitingin-tingin pa sa kanila,” ani mommy at kumunot ang noo ko. Naramdaman ko ang pagsulyap ni Kuya Khai sa side ko pero hindi ako nag-abala na tumingin sa kaniya pabalik. “Just take care, Mom,” sabi ko lang at isa-isa pa kaming nagmano sa kanila saka sabay na tinanaw ang papalayong sasakyan nila.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม