Chapter 17: Suitor
SATURDAY ngayon kaya wala rin kaming pasok. Sa house lang kaming mag-stay at gagawa na lang nang kung ano-ano ang mga kapatid ko para malibang siya. Like I said, hindi na bago sa amin ang madalas na pag-alis ng parents ko nang magkasama sila at naiiwan kami sa bahay.
Wala namang kaso iyon for me. I wanted them to unwind sometimes. Puros work and pag-aalaga lang sila sa amin.
“Cody, tara sa bahay. Mag-online games tayo,” pag-aaya ni Seth sa kapatid ko at agad na sumang-ayon naman ang isa.
“Game po ako, Kuya Seth. Ate.” Binalingan naman ako ni Cody. “Doon na muna po ako kina Kuya Khai at Seth, ha?” pagpapaalam nito sa akin at tumingin pa ako kay Kuya Khai pero mabilis kong binawi ang tingin ko dahil nasa akin ang atensyon niya.
“Okay,” sambit ko lang at bumaba naman ang tingin ko sa baby sister ko. “Doon na lang tayo sa house, Pressy,” pag-aaya ko sa nakababatang kapatid ko pero mabilis namang lumapit sa amin si Jessey. Nagpaalam din ito na sa bahay na muna siya.
Walang salitang namutawi sa bibig ko at inaya ko na ang dalawang bata. Umakyat agad sila sa kuwarto dahil alam ko naman ang gagawin nila. Titingnan nila ang browser ni mommy at kapag may matipuhan na dress ay for sure ibibigay iyon sa kanila.
I went to my room na rin and I plan to read a book. Napatingin pa ako sa study table ko dahil nakita ko roon ang canvas at iba pang materials for art. Actually nawalan na rin ako nang ganang magpinta or mag-sketch kaya huminto na rin ako two years ago.
Ang huling painting ko ay ang napanalunan ko sa school and I don’t know kung na-keep din ba ni Kuya Khai ang portrait ko when I’m still five years old.
Umupo ako sa study table at narinig ko ang pag-beep ng phone ko and then when I opened it ay bumungad sa akin ang group chat namin nina Vira at Herodes.
Napangiti ako nang makita kong in-add nila sa GC namin si Jessrill. Nagsimula na rin kaming magpasahan ng chat namin at lumundag pa ako sa bed ko. Nakadapa lang ako at nalibang ko ang sarili ko.
Nagtatampo si Herodes dahil hindi raw namin siya isinama kagabi sa bar at makiki-party rin daw siya.
Maya’tmaya pa ang pagkatok ni Pressy sa pinto ng room ko para lang manghingi ng snack kaya sinabi kong bumaba na lang sila. May mga servant naman kami.
“Ate! Wala po si Yaya!” narinig Kong sigaw ni Pressy sa labas. I glanced at the door nang sumilip sila roon ni Jessey.
“Nasaan daw?” I asked her.
“May binili po sila supermarket, Ate,” sagot lang nito.
May mayordoma kami sa house, tatlong servant na nakatukang maglaba at maglinis. Dalawa naman ang nasa kitchen.
“May food naman siguro sa ref. Tingnan niyo na lang,” sabi ko at ibinaling ko ulit ang tingin ko sa screen ng phone ko.
“I don’t want to eat malamig na food, Ate Francine,” she reasoned out and when I looked at Jessey. She shrugged her shoulders. “But you don’t know how to heat the food, and how to cook,” nakasimangot na sabi niya.
“I know kaya!” sigaw ko at napaupo pa ako sa kama.
“Oh? Really po? So?”
“Tinatamad ako, eh,” pagdadahilan ko naman.
“I will ask my kuya, Ate Francine!” suggestion naman ni Jessey at mabilis akong umalis sa kama.
“No! Don’t do that, Jessey!” hysterical na pagtanggi ko at nilapitan ko silang dalawa.
“Why po?” Jessey asked me innocently.
“Busy ang kuya mo. No need. Ako na ang bahala sa food niyo,” sabi ko lang at inaya ko na silang bumaba.
Pagdating namin sa kitchen ay dumiretso sila sa highchair. Tinulungan ko pa si Pressy dahil hindi niya kayang abutin ang mataas na upuan.
“Oh, thank you, Ate,” malambing na pasasalamat nito sa ’kin. Hinalikan ko lang siya sa pisngi.
“What do you want ba?” I asked them at tumingin ako sa ref kung ano ang puwedeng lutuin dito na basic lang. Iyong madali lang talaga na maluto.
“I want a pancake, Ate Francine,” request ni Jessey. I nodded. I know how to cook that one. Basta huwag lang talaga iyong maraming ingredients at iyong matagal maluto.
Kumuha ako ng fresh milk at ibinuhos ko ang laman nito sa heater namin. Hinahanda ko na rin ang dapat kong lutuin but in the middle of my cooking ay dumating si Cody.
“Ate! May meeting daw kami sa school! Pumunta ka para sa akin, Ate Francine,” sambit nito.
“It was Saturday, Cody. Bakit may meeting kayo sa school? Para saan iyon?” tanong ko at sumilip siya sa niluluto ko.
“Wow, pancake,” he commented.
“Does it mean, ako rin, Cody? May meeting tayo?” tanong naman ni Jessey na tinanguan ng kapatid ko.
“Ang kuya mo ang pupunta, Jessey,” sabi ni Cody.
“Eh, ’di magpa-attend ka na rin kay Kuya Khai,” aniko at binigyan ko na nang pansin ang pancake na niluluto ko pero kinulbit niya ako.
“Sinabi ko na po kay Kuya Khai na sumabay ka na sa kaniya, Ate.” I snorted. Hindi ko naman magawang tarayan si Cody dahil never ko rin naman silang inaaway pero kung makapag-decide ay akala mo naman iyon din ang pipiliin Kong desisyon.
“I can go to your school without him, Cody,” I told him.
“Same school lang naman po iyon at ano naman ang masama kung sasabay ka Kay Kuya Khai, Ate Francine?” Kinurot ko ang pisngi niya at natawa ang dalawang batang kanina pa na nanonood sa amin.
“Ano ang bad doon, Cody? May girlfriend na siya at hindi kami dapat magkasama,” paliwanag ko at natigilan pa siya. Napahimas-himas sa baba niya. “Go tell him na hindi ako sasabay,” utos ko at saglit pa niya akong tinitigan bago siya dahan-dahan na tumango.
A few minutes later ay natapos na ako sa pancake namin at hinain ko na ito sa table. Nagtimpla rin ako ng juice and we’re busy eating nang when the boys entered in the kitchen.
“Grabe, hindi man lang kayo nagtawag na kumakain pala kayo ng pancake?” tanong ni Seth at nagmamadali na siyang lumapit sa amin. Tumabi siya nang upo kay Jessey.
Sinulyapan ko sina Cody at Kuya Khai. Napanguso ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Aalukin ko rin bang kumain ito o huwag na lang siyang pansinin pa? Pero kalaunan ay nagpaalam na siya na lalabas na.
Kahit inaya siyang kumain ni Cody ay tumaggi pa siya. Patay malisya na lamang ako.
After that I change my cloth. Pink off-shoulder crop top ang isinuot ko and white paneled skirt naman pababa, and a white sneakers. Ang alon-alon na buhok ko ay hinayaan ko lang nakalugay sa likuran ko. Nag-apply rin ako ng light make-up.
Nadatnan ko ang mga bata sa living room namin at nagpaalam ako sa kanila. Nagmamadali pa akong lumabas at hindi ko inaasahan ang naghihintay sa labas.
“Jessrill!” masayang tawag ko sa kaibigan ko. Kumaway-kaway pa ako sa kaniya at napangiti rin siya nang makita ako.
“Hi,” he greeted me and I approached him.
“Umuwi ka ba kayo agad kagabi after namin, Jessrill?” I asked him. He shook his head.
“Nag-stay pa kami nang ilang oras. Heto, sa ’yo ito, Francine.” Nakangiting tinanggap ko ang bouquet. Dinala ko pa ito sa mukha ko just to smell it.
“Paano mo nalaman ang address ko?” mayamaya ay tanong ko kay Jessrill.
“I’m with Thy. Nalaman ko kasi na dadalaw siya sa mga pamangkin niya and Vira told me na magkapitbahay lang kayo ni Alkhairro. So, sumama ako sa kaniya,” paliwanag niya at tiningnan niya pa ang nasa kabilang house. Pero nasa labas din pala ang magtito.
Si Kuya Khai as usual ay seryoso ang bukas ng mukha niya at mahirap siyang basahin. Napatango ako.
“Hi, Kuya Thyzer,” bati ko kay Kuya Thyzer. Ngumiti ito at kumaway.
Binalingan ko ulit si Jessrill. “Hindi ka naman siguro busy, ’no?” tanong ko kay Jessrill at umiling siya.
“Kaya nga ako nandito, eh,” sagot niya. “I want to meet your parents too para. . .para.”
“Para?” kunot-noong tanong ko dahil hindi niya magawang tapusin ang sasabihin niya sana.
“Para manligaw,” sagot niya at nanlaki naman ang mga mata ko but napaigtad ako sa gulat dahil sa pagsara ng pinto ng kotse.
Ang nakita ko lang ay si Kuya Thyzer na napailing lamang at may multong ngiti sa mga labi niya.
“I’ll go ahead, Tito. Hintayin ninyo na lang po ang mga kapatid ko,” narinig kong paalam nito. Nasa sasakyan na siya at saka niya Ito pinaharurot.
I faced Jessrill again. “Samahan mo naman ako sa school, Jessrill. May meeting kasi ang baby brother ko, eh.”
“Seryoso ako sa sinabi ko, Francine. I want to court you,” he said. Bumilis pa ang t***k ng puso ko dahil ito na.
Sinabi na niya na gusto niya akong ligawan at wala akong dahilan para tanggihan siya.
“Okay. But tell to my parents about that, okay?” Napangiti siya at tumango-tango.
“Thank you, Francine,” he said and kissed my cheek.
Pagdating namin sa school ay nakita ko agad ang car ni Kuya Khai at ang suwerte ko lang dahil nakaiwas ako ngayon sa kaniya.
Iyon nga lang kahit kasama ko si Jessrill ay hindi ko pa rin maiwasan na tingnan siya. Super tahimik niya talaga.
My brother is an athlete at iyon lang ang pinag-usapan namin. It took one and half hour before natapos ang meeting.
Nauna pa nga siyang umalis at ako naman ay inaya ni Jessrill na lumabas. Of course, sumama ako sa kaniya kasi may car din naman siya.
Nag-enjoy ako na kasama si Jessrill. Natutuwa kasi ako sa kaniya at panatag ang kalooban ko kapag siya ang kasama ko. 3 p.m na rin ako nakauwi at wala sa bahay ang mga kapatid ko.
In three days ay nagawa kong iwasan ulit si Kuya Khai. May klase naman kami at hinahatid kami ng family driver sa school. Pero nakikita ko rin naman siya. Goods na rin ang huwag na niya akong pansinin.