EULYN KRIS Pagkatapos ng mainit na nangyari sa amin ni Maynard. Doon lang ako natauhan. Paano kung mabuntis ulit ako? Edi, pangalawa ulit na panganay. Hindi imposible dahil si Aaron–nga isang gabi lang naman ginawa ng hindi ko pa kilalang lalaki sa bar, ay nabuo agad. Ngunit ang nangyari ngayon sa amin ni Maynard, kanina ay hindi ko pinagsisihan. Iisa lang ang palaisipan sa akin. Parang pamilyar ang init ng haplos nito sa aking katawan. Hindi ko lang ma-explain pero gano'n na gano'n ang nararamdaman ko noong nakasiping ko ang ama ni Aaron. Napaka imposible naman 'yon. Dahil sa Visayas 'yon nangyari paano napunta roon si boss? Sa sobrang busy ng buhay nito nagpunta lang ba roon ito upang mag unwind? Diba hindi kapanipaniwala kahit ako ay naguguluhan din. Alam ko napansin ni ni boss ang p

