EULYN KRIS Halik ni Maynard sa buhok ko ng ipahinga ko ang aking mukha sa kaniya dibdib kaya nagbalik ang kahibangan ko sa pinagsaluhan namin ni Chinito. Ano kaya ang plano ng Intsik na ito. Kahit saan kasi tingnan ay mali. Isang kasalan. Maling pumatol ako sa kanya hanggang hindi na napasawalang bisa ang kasal namin ni Jefferson. "Baby, sabay na tayo maligo," "Maynard," nagpapasag ako ng buhatin niya ako patungo ng CR. "Kaya ko na maglakad," singhal ko pa sa kaniya. "Maynard. Ang kulit mo po!" Hindi ako tinapunan ng tingin diretso lang siya sa CR. Pagkarating doon ihilapag niya ako patayo sa sahig ngunit nasa tabi ko pa rin siya. Hawak niya ako sa baywang. Tinimpla niya ang tubig ang sa bathtub kahit gamit lang ang Isa niyang kamay. Gustong ko kumawala ngunit nahalata nito mahigpi

