Isang malakas na tunog ang bumalot sa buong kuwarto. Iyon ang alarma ng nakalipas na kuwarenta 'y singko minutos. Maging si Faizal ay napabalikwas rin. Nagising ang natutulog niyang diwa. Ni hindi niya namalayan na nakaidlip siya. Mula pa kagabi kasi siya walang tulog kaya naman hinanap na iyon ng katawan niya. Sabi niya kanina ay pag-iisipan niya ang mga sinabi ni Santiago; na mag-iisip siya ng plano kung paano sila makakaligtas pareho ni Elizeo sa susunod na laro. Ngunit heto siya, hindi nakapag-isip ng plano, bagkus nagising mula sa isang masarap na idlip. Napakagaling mo namang mag-isip ng plano, Faizal. Sarkastikong kastigo niya sa kaniyang sarili. Natapos na ang malakas na tunog ng alarma pagkalipas ng dalawang minuto. Sina Santiago at Elizeo ay parehong nagising nang matapos ang

