"Ano?" Tanong ni Faizal kahit narinig naman niya sa unang beses ang sinabi ni Elizeo. "Tumbang-preso. Tingin ko iyon ang susunod na laro. Pagkagaling ko kasi sa kuwartong pagamutan ay narinig ko ang pinag-uusapan ng dalawang iyon." Itinuro nito ang dalawang babaeng nakatirintas pareho ang kani-kaniyang buhok. "Narinig ko na sabi ng isa na kailangan daw mapatumba sa malayo ang lata. Ang sagot naman ng isa ay siya na raw ang bahalang sumipa nang malakas. Iyon lang ang narinig ko. Hindi ko na narinig ang iba pa nilang pinag-uusapan dahil nahuli nila ako na pasimpleng nakikinig sa pinag-uusapan nila. Anong gagawin ko, Faizal? Hindi ako magaling umasinta ng lata." "Huwag kang mag-alala. Hindi mo naman kailangan asintahin ang lata." Natigilan sila pareho ni Elizeo nang marinig ang boses na iyo

