Namangha rin si Faizal sa laki ng banyo nang makapasok siya roon. Napakaraming hanay roon ng mga maliit na cubicle na may mga harang na kurtina, kung saan pwedeng maligo ang mga kalahok. Kakaunti lamang ang natirang manlalaro na galing Sektor nila, kaya naman halos wala ring nag-aagawa sa mga paliguan. Bitbit ang kaniyang uniporme ay agad siyang naghanap ng paliguan na walang tao, pumasok roon, saka isinara ang plastik na kurtina. Isa-isa niyang hinubad ang lahat ng kaniyang kasuotan at isinabit iyon sa isang nakausling maliit na bakal sa pader na sabitan talaga ng mga kasuotan. Pinihit niya ang shower at lumabas mula roon ang maligamgam na tubig. Hindi siya makapaniwala roon. Gaano na ba katagal noong makapaligo siya ng maligamgam na tubig... gaano na ba katagal noong makakita siya ng

