Halos masilaw si Faizal sa puting-puti na kuwarto na kanilang napasukan. Nag-adjust ang kaniyang mga mata sa liwanag. Ibang-iba ang hitsura niyon sa Grandiosong Bulwagan. Wala na iyong mga kakaibang simbolo. Basta't kulay puti lamang iyon at ang nag-iisang higanteng screen sa gitna ng pader lamang ang nag-iisang bagay roon. Hindi niya alam kung parte pa ba iyon ng bulwagan, ngunit tulad niyon, nakapakalaking kuwarto rin ng kuwartong napasukan nila ngayon, at napakataas ng kisame. Nagmistula silang mga sugatang langgam sa laki ng kuwartong iyon. Kahit marami ang namatay sa unang laro ay mas marami pa rin ang natirang buhay na mga manlalaro. At dahil puting-puti nga ang paligid, binahiran ang sahig niyon ng mga bakas ng paa na may dugo ng mga nangamatay na manlalaro mula sa Patintero. Nang

