Isa... Dalawa... Tatlo. Tatlong guwardiya. Tatlong guwardiya pa ang kailangan nilang malampasan. Napatingin si Faizal sa labasang gate. Dumarami na ang mga nakakatawid roon. At bawat manlalarong nakatatawid ay may ngiting tagumpay sa labi. Kung hindi iyon ngiting tagumpay, kita sa mukha ng mga ito ang kakampantehan. Tila nabunutan ang mga ito ng tinik sa dibdib. "Hindi tayo pwede magtagal dito. Baka maipit tayo ng Patotot." Kumunot ang noo niya sa narinig. Napalingon siya kay Santiago. "Ano?" "Patotot." Itinuro nito ang guwardiya sa pinakadulong linya. Ito ang taya na nakakalakad sa gitnang linya. "Nakakatawa man sa pandinig pero iyon talaga ang tawag sa taya na iyon." "Bakit ba ang dami mong alam sa larong ito. At bakit mo alam na ito ang unang lalaruin?" Kanina pa niya iyon gusto

