"How's your sleep? Did you sleep well?" Napatingin si Hera sa kaniyang katabi matapos niyang imulat ang kaniyang mga mata. Napakurap-kurap siya at tipid na napangiti nang sumalubong sa kaniyang tingin ang seryosong mukha ni Lucas. As usual, wala itong damit. Nakatukod ang braso nito sa kama para suportahan ang ulo nito. Ang isang kamay ng lalaki ay hawak-hawak ang ilang hibla ng kaniyang buhok at inaamoy iyon. Waking up like this with a handsome god besides you is every woman's dream. Pero hindi rin iyon maganda. Baka mamatay siya dahil kay Lucas sa hinaharap dahil sa sobrang kaguwapuhan nito at atakihin siya sa puso. "Yes... Morning," malambing niyang sagot at niyakap ang mainit at makisig na katawan nito. Gusto pa niyang matulog pero dahil sa nakakaramdam siya ng gutom at napilitan si

