Nanlaki rin ang mga mata ng Ina ni Hera kagaya niya. Hatala rin sa reaksyon ng Ina at mga dating pamilya niya na hindi rin nila inaasahan na makikita siya rito sa mall. Ang mukha ng mga ito ay maputla na para bang nakakita ang mga ito ng multo na bigla na lang nabuhay at lumitaw sa mundo. "H-hera..." Sa nanginginig na boses ay sinabi iyon ng kaniyang Ina. Hindi alam ni Hera kung saan ba siya mas nagulat ngayon. Sa makita ulit ang mga ito o sa nakitang reaksyon ng bawat isa sa mga ito. Maliban kasi sa gulat ay napansin niya na nanginginig ang mga katawan ng mga ito na para bang sila ay natatakot. "Ma..." Napakislot pa ang kaniyang Ina nang tawagin niya ito. Halata sa mukha ng may katandaang babae na hindi ito komportable sa kaniyang tinawag. Pero wala na siyang pakialam kung ano man ang

