"Morning baby," masayang bati ni Patrish sa binata paggising ng umagang 'yon. Maaliwalas naman na ngumiti ang kasintahan sa kaniya. "Morning beautiful," tugon nito sa kaniya at nagingislap ang mata. "Ikaw ba ang mauuna maligo or ako?" Inaantok n'yang saad niya rito. Hinalikan muna siya nito sa noo at sabay haplos sa kaniyang mukha. "Puwede bang sabay?" kindat pa nito sa kaniya at isang marahan pisil sa kaniyang ilong. Kumibot ang labi ni Patrish nag-iisip kung papayag sa gusto nito. "Puwede naman kung behave ka!" panguso pa niyang sabi sa binata. "Behave ako, pangako," tila nanunumpa ang sagot sa kaniya. "Pangako? Eh, bakit may pinipigil mo ang ngiti," "Baby naman masyado kang tamang hinala. Kung ayaw mo 'wag na lang hindi naman mamimilit," sagot agad sa kaniya pero kita niya sa mu

