"Sh-t Patring magpapakamatay ka ba?!" galit na wika ni Jade at Speed kay Patrish. Nakikipagpalitan siya ng bala sa damunyong si Randy Matias. Nakasakay na ito sa malaki nitong SUV van habang napapalibutan ng mga alagad nito. At ang ibang tauhan ay patuloy siyang pinauulanan ng bala. "Peste ka talagang matanda ka!" nanggigil na kalabit ni Patrish sa magkabilang hawak na baril. Hindi alintana kay Patrish ang nagliliparang bala. Tumakbo pa siya habang pinaputukan ang hinahabol na sasakyan. "Punyemas kang panot ka!" dalawa na ang baril na hawak ni Patrish magkabila kamay nakikipagpalitan ng putok. Marami rin siyang natamaan subalit nakalayo ng tuluyan ang gagong Matias. Pinasok nila ang isang bahay nito na asset niya ang nag timbre sa kaniya na narito ang hukluban sa bahay ng isa nitong

