Kabanata 8: Study

2138 คำ
Napahinto ako sa pagsusulat ng notes noong maalala ang nangyari kagabi. Right. I just had the Weiland Vegas on my room! Hindi ko naman akalain na parang big deal iyon sa iba! I was so focused in the money that I forgot who he was! At ano daw? He will seduce me to get on his side? Anong tingin niya sa'kin? Katulad ng ibang babae na humahanga sakanya? Well, ibahin niya ako sakanila! Iyong mga babae na 'yon, hindi alam kung gaano kagaspang ang ugali niya! He didn't even bother to lie about it! Diretsahan niyang sinabi na aakitin niya ako! Nanindig ang balahibo ko at sinubsob ang mukha sa libro. Kadiri! Iyon lang ang iniisip ko buong umaga. Kahit sa classroom ay ang kapal ni Weiland na tumambay sa utak ko! Akitin? Akala mo talaga kaya niya! Masisikmura niya ba humaik ng dukha? I doubt that, ang yabang-yabang niya para humalik ng dukha! "Adele! Huy!" Tawag ng kaklase ko sabay tapik sa balikat. Bigla naman akong napatingin dito. "Oh bakit?" Takang tanong ko. Tinignan naman niya ako na parang nalilito. "Para kang ewan diyan! Kanina ka pa tinatawag uy! Tara na groupings na daw!" Nakakahiya. Talagang iniisip ko ang Weiland na 'yon ha? "Sige!" I bit my lip. Dapat walang makaalam na tutor ako ni Weiland. Baka bumalik pa ang pangba-bash sa'kin! Naghihinala na nga ang mga kaklase ko kasi nag-announce daw talaga si Weiland na 'wag mang-bully, at very timely 'yon kasi ako ang binu-bully. Lahat na lang ay may halong malisya sa school na 'to! Pagkatapos ng klase ay napahinto ako sa pag-aayos ng gamit noong ma-realize na... Ngayon pala ang first day ko sa pagtuturo kay Weiland! Umuwi muna ako sa bahay at madaling nagpalit. I also bring his books, ibabalik ko na ang iba. Bago tuluyang umalis ay tinignan ko ang sarili sa salamin. "Fighting, Adele. H'wag kang papatinag sa baliw na 'yon... at malaki ang sahod," paalala ko sa sarili. Alas-kwatro nang tanghali noong makarating ako sa bahay ni Weiland. Hanggang ngayon ay humahanga pa rin ako sa laki ng mansyon. Naiisip ko ngang mag-ipon ng paunti-unti para makabili ng bahay. Kaya ko ba? "Ms. Ferrer... Come in," bungad sa'kin ni Mr. Vegas. Ngumiti ako bilang bati. Pumasok ako sa mansyon nito at yumuko. Minsan talaga, nakakahiya pumasok dito. Obviously, the Vegas are hella rich. Makikita mo pa lang sa tiles at taas ng ceiling kung ano ang estado ng buhay nila. "I will guide you to our library," aniya. I roam my eyes around. Si Weiland? Nasaan ang kupal? Tumango ako. "S-Sige po..." Habang umaakyat ng hagdan ay nagsasalita si Mr. Vegas. "You are young, ka-edad mo lang ang anak ko. But I believe, hindi ka magpapa-tinag sa anak ko," aniya. Tumango ako. Hindi din ako papatalo! "I just want you to do a one thing for my son," aniya at nilingon ako. "Make him interested in studying... and don't be interested on him." Napangiwi ako sa sinabi nito. He's son is planning to seduce me! Hindi din naman ako magpapa-seduce! 'Di ba, Adele? Napalunok ako sa naisip. Bakit parang kinukumbinsi ko pa ang sarili ko? Gosh, hindi ako magkakagusto sa baliw na 'yon! Huminto ito sa isang kwarto na may mataas na pintuan. Humarap sa'kin si Mr. Vegas at ngumiti. "Maliwanag?" "O-Opo," yumuko na lang ako. "Good," he comment before opening the door. "So this is the library and study area. Dito mo tuturuan si Weiland." Tumango ako. "Pauwi pa lang si Weiland. Don't worry, he won't ditch you... Binantaan ko na siya," ngiti nito. Kaya pala nakitulog sakin si Weiland... Mukha ngang scary si Mr. Vegas. Iniwan na ako ng ama ni Weiland sa library at sinabing maghintay. Grabe, ibang klase talaga ang buhay mayaman. They have a grand house and a library! Marami ding libro dito! Gusto ko sanang magikot-ikot at tumingin ng iba pang books pero pinigilan ko ang sarili. Ayoko mangialam. Inaantok na ako. Papatulog na sana ako noon pero napatayo ako ng may magbukas ng pintuan. There, I saw Weiland. Nakakunot ang noo nito. As usual, masama ang tingin sa'kin. Ang kapal talaga ng mukha niya. Siya pa ang mau ganang tumingin sa'kin ng ganyan! Siya nga itong binaboy ang mukha ko gamit ang marker! Bago pa ako sumabog ay pinakalma ko na ang sarili ko. Wag masyadong hot, Adele. Tandaan mo, anak na siya ng taong nagpapa-sweldo sa'yo! Nginitian ko ito. "Buti naman at nandito ka na. Simulan na natin," plastik na sabi ko sakanya. Naglakad ito papalapit sa'kin. Huminto siya sa harapan samantalang ako ay patuloy lang sa pag-aayos ng libro. "Talagang tumuloy ka dito ha. Hindi ka ba natatakot sa banta ko?" I looked at him. "Kailan mo ako binantaan?" Tumawa ito at muli na namang ginawa ang favorite move niya; ang ilapit ang pagmumukha niya sa'kin. My face wrinkled in annoyance. "Sigurado akong gusto mo ako..." "Kung sa tingin mo gusto kita dahil naging mabait ako kagabi, nagkakamali ka." Ngumisi ito. "I doubt that." Kailangan ko ba ipamukha sa lalaki na 'to na hindi umiikot sakanya ang lahat? Sobrang hangin 'eh. Nakakaawa siya! "Pera mo lang ang gusto ko," I told him. "Kaya tigilan mo ako dahil kailangan ko na mag-trabaho." Bahagya kong itinulak ang balikat nito. Siya naman ay napahalakhak na lang bago tuluyang lumayo. "Tignan natin kung hanggang saan ang pagiging matigas mo." "Hindi talaga kita papatulan. Kung sana nag-acting ka manlang noong una pa, baka maniwala ako sa susunod mong kagaguhan na gagawin." "Wow... Sana pala iyon ang ginawa ko 'no?" I glared on him. "So don't bother doing something nasty. Babaliin ko talaga ang ilong mo," I threatened him, itinaas ko ang aking kamao. Nanlaki ang mata nito at napahawak sa ilong niya. "Tsk!" Umupo ito sa harapang upuan at tinignan ako. "Go on. Teach me," utos niya. Napailing na lang ako. See? Takot siyang magalusan ang pagmumukha niya! "So first quarter pa lang tayo... Siguro naman nasa kalagitnaan pa lang kayo ng introduction—" "Adele..." Malumanay na tawag niya. Pakiramdam ko ay nagtayuan lahat ng balahibo ko sa pagkatawag niya. Ano ba 'yan! "Bakit?" "Wala lang. Where did your parents get your name?" Napailing na lang ako. "Magandang ang topic niyo. Tungkol sa Philippine constitution..." "Yeah, yeah," sang-ayon na lang ni Weiland. "Ilang taon ka na?" Humigpit ang hawak ko sa libro. "I'm eighteen..." "Kailan ka pinanganak?" "Weiland," banta ko sa lalaki. Kung ano-ano ang tinatanong niya! "What? I just want to know who is my tutor!" He shouted in a defensive way. Is this part of his 'seducing moves'? Napailing na lang ako sa lalaki. "Let's start with the first chapter para may ideya ka sa susunod—" "Adele, mahirap ako turuan—" "I am not easy to deal with too," mabilis na sagot ko kay Weiland. Ngumisi ang lalaki habang ako naman ay nanatili lang naka-poker face. I want to act unbothered pero sa totoo lang ay gusto ko na siya sapakin! "Okay, go on." Aniya. "Pwede pakibilisan? May babasahin pa kasi akong script... I don't have time on this." Mukhang mahihirapan talaga ako makipag-deal sa abnoy na 'to! I started to lecture him about the things he know. He is obviously not interested at tumi-tingin sa Iba't-ibang bagay na nasa library o nakatulala! "Weiland, umayos ka. We have a quiz after this," I told him. Wala naman talaga akong hinandang quiz! Pero kailangan niya makinig! "Okay," tango pa niya. I resumed. Pero hindi na nakakagulat ng makatulog si Weiland, 'di ba? "Weiland!" Padabog na ibinaba ko ang libro. Bigla siya napabalikwas at pinunasan ang mukha. "Ako na ba direk—" "Anong direk?!" "Oh..." bumagsak ang balikat ni Weiland ng makita ko. "Bakit nandito ka pa?" "Hindi pa tayo tapos. I am serious Weiland. Dapat maganda ang scores mo kasi..." "Look, I don't want to study! Bakit ba kasi ako pinag-aaral 'non? Bakit ang taas ng tingin ng lahat sa taong edukado?!" Iritadong reklamo nito. Napailing na lang ako sa sinabi niya. "You need to study! Kung bumagsak ka sa quiz ko—" "What? What? What will you do?!" Marahas na tanong nito sa'kin. Nanghahamon. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ka makakapasok sa ibang entertainment!" I told him. Gawa-gawa ko lang 'yon. But that is enough to make him stand up from his seat, gulat na gulat. "What?! Dad told that?!" Mukhang mas mahalaga talaga ang career niya! "Kaya umupo kana at makinig," I told him. "Dahil kung hindi... Ewan ko na lang talaga kay Mr. Vegas." Surprisingly, that trick worked! Nakinig sa'kin si Weiland pero nakakunot ang noo niya. Pilit na iniintindi ang sinasabi ko. "Naiintindihan mo na?" "Yeah, yeah. Now let me take the quiz! May script pa akong titignan!" Pagmamadali niya. "Talaga bang naiintindihan mo?" I growled on him. Napahinto naman ako. "Sino bang makakaintindi? Ang boring mo magturo." Napaamang ang labi ko. "Akala mo ba naglalaro pa rin tayo dito?" "Akala mo ba nakikipaglaro ako?" Sagot ng lalaki sa'kin. "Laro na 'to sa'yo? Baka mamaya pag nakipaglaro talaga ako—" Binato ko si Weiland ng yellow pad. "Magsagot ka. Pag hindi mo 'to nasagutan ng tama, uulit tayo ng uulit sa topic. Hanggang sa ma-perfect mo ang score." Namilog ang mata nito. "What?! Bakit mo pa ako pahihirapan—" "Because I get paid for it!" Sigaw ko sakanya habang sinusulat ang mga madadaling tanong. "Now, number one!" "Sandali!" Alma nito. Kainis! Kung laging ganito ang scenario namin, mukhang masisira ang tonsil ko sakanya! "See?! Not bad!" Aniya at pinakita ang score na five over ten. Napatango ako. I didn't expect him to get the half. In fairness. Ibig sabihin noon, I am very effective. Ma-report nga ito kay Sir! "Kain muna kayong dalawa," may pumasok na maid sa library. May sumunod pa na isa, bitbit ang maraming papel at binigay iyon kay Weiland. "Ms. Adele... Kumain muna daw kayo sabi ni Sir," si manang. Tumango ako sakanya. "Nako salamat po..." "Ayan na po ang script sir. May kulang pa ba?" Sabi ng isang maid. So that is his script. "Wala na," aniya. Nang masabi iyon ay lumabas na ang katulong. Kumain naman ako. Yeah. Dinner na. I love free food! Si Weiland naman ay seryosong nagbabasa habang kumakain. He is really weird. "How come you can read a pile of that, tapos ang simpleng libro—ayaw mo." Ngumiti si Weiland sa'kin. "Book and my script is very different. Tunog pa lang, tsk." Hindi ko na siya pinansin at kumain. I need to get out of here immediately. Bago pa kami magbayangan ulit. I finished the food, while Weiland didn't even bother to lift a spoon. Ulam lang ang pinapapapak nito. Weirdo. Inayos ko na ang sarili at umalis. Iniwan ko si Weiland sa library. Mukhang seryoso talaga siya sa pagkakabisa ng script niya. "Si Weiland?" "Nandoon po, nagbabasa ng script." Hindi naging maganda ang reaksyon ni Mr. Vegas ng marinig iyon. His father sighed. "Na naman?" "Opo. Pero tapos na ang klase," pinakita ko sakanya ang resulta ng quiz ni Weiland. Kinuha niya ito at tumango. "Oh... he did this?" "Yes po. Okay naman. Bukas na lang po ulit," paalam ko. "Okay. Ipapahatid na kita sa driver. Mula ngayon ay lagi ka na namin ihahatid pauwi... Okay?" Aayaw pa sana ako pero pinandilatan ako ni Mr. Vegas. "N-Nako... maraming salamat po." After that tirinh night, nag-ayos lang ako at mabilis na natulog. Kinabukasan ay pagdating sa school ay hinarangan ako ni Frances. Na naman! "Hoy, tigilan mo ako Frances ha! May klase tayo!" "Ano 'yon?! Gaga! Hindi tayo magka-kape!" "Ano na naman? Bakit ka nasa gate—" "Si Weiland, hinahanap ka!" Namilog ang mata ko. Ano ba 'yan! Nakalimutan ko sabihan si Weiland na huwag ako puntahan sa school! Nakakaasar! "B-Bakit daw?" Pinandilatan ako ng mata ni Frances. "Ikaw, may hindi ka talaga sinasabi sa'kin! Magka-ano ba kayo ni Weiland?" Napairap ako sa tanong nito. "Wala nga!" Inunahan ko siya maglakad para pumunta sa room. Doon, nakita ko si Weiland. Kumaway pa siya sa'kin. Aish... Napatingin sa'kin lahat ng kaklase ko. Iyong babae, masasama ang tingin. Samantalang ang mga lalaki? Natatawa! We need to get out of here first! Ayoko ma-issue! Maba-bash pa ako! "Iyong scrip—" "Ano po 'yon?! Mag-uusap tayo?! Sige! Dito na lang tayo!" Sabi ko at naglakad palayo sa room. Nang makarating sa dulo ng hagdan, kung saan tinatanan na kami kakasunod ng fans niya ay hinarap ko ito. "Bakit ka nandito?" He snorted. "As if gusto ko dito? Kinuha mo ang isang papel sa script ko!" Aniya. "Ano bang sinasabi mo? Wala akong kinuha—" "Nawawala nga, Adele. I need that. Ibalik mo kung ayaw mo—" I sighed. Iyon lang ba ang gusto niya? "You should have said that over the phone! Sana ay hindi mo na ako pinuntahan sa room!"
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม