Natawa si Weiland ng marinig niya 'yon. Parang hindi siya makapaniwala.
"Anong sabi mo? Bakit parang ikaw pa ang may ayaw sa'kin?"
Sinimangutan ko si Weiland.
"Anong parang? Ayaw ko talaga sa'yo!"
Weiland just smiled and gritted his teeth. Para pigilan ang galit.
"Don't ruin my mood... Adele. I am being nice," aniya. Nagtitimpi.
Natawa ako sa sinabi niya.
"I will try to find your script. Dadalhin ko sa bahay niyo mamaya... 'Wag mo na ako kausapin sa university..."
"Dapat ako ang nagsasabi niyan ah!" Angal ni Weiland.
I just sighed. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sige. Sabihin na nating naunahan lang kita," sabi ko sa lalaki para matakpan naman ang nasira nitong ego.
Umalis na ako sa harapan nito. I
"Adele!" Tawag pa nito.
I just want to be safe against to his fans. I may be rude on that one... but he is rude too. Patas lang!
Pagkadating ko sa classroom ay nilingon ako ng lahat. Halatang gusto nila magtanong, but they cannot do it because we have our subject teacher! Mabuti na lang, kasi hindi ko rin alam ang isasagot ko sakanila.
Syempre, pang-saglit lang 'yon. Maya-maya, kakaalis pa lang ng teacher namin ay pumunta na sa'kin lahat ng gusto maki-usisa.
"Ikaw, Adele ha! Bakit ka hinahanap ni Wei!?"
"May tinatago 'tong si Adele!"
"Sabihin mo na kasi sa'min! Bakit ka pinupuntahan non?"
Napailing na lang ako sa mga tanong nila. Mga malisyosa talaga.
Napaatras ako ng iduldol sa'kin ni Frances ang kanyang mukha. Naniningkit ang mata at nakanguso. Tsk!
"Sabihin mo na, Iris! Ikaw napaka-ano mo! Kaano-ano mo ba si Weiland? Tsaka bakit mo siya napapasunod?" Walang hintong tanong ni Frances.
"We are just settling our problem, guys. Inaayos lang namin 'yong naunang issue. Binu-bully kasi ako noong iba 'di ba? He is really sorry," palusot ko na lang.
Nakatitig pa rin ang mga kaklase ko sa'kin. Halatang hindi kumbinsado ang uhaw nilang chismis.
"Nako, tigilan niyo ako. Wala talaga!" Iwas ko.
It was a tough day for me. Everyone is looking at me with curiosity! Sinasabi ko na nga ba, dapat talaga hindi ko hayaan na ma-link ang sarili sa baliw na 'yon. Everyone is just assuming and wanted a gossip to kill their time.
Araw-araw ang usapan namin ni Mr. Vegas sa pagtu-tutor sa damulag. Tinanggap ko naman dahil talagang nilakihan ni Sir ang sweldo ko!
Uwian na ulit at nililista ko na sa isipan ang mga binabalak kong gawin. Naisipan kong mag-resign na lang dahil tutal, sapat na ang sahod na tatanggapin ko kay Mr. Vegas at disente rin ang trato sa'kin.
Mas pabor pa sa'kin 'yon!
Hinila ko na ang bag ko pero hinarang ako ni Frances, naka-pameywang ito at masama ang titig.
"Teh! When ka free? Birthday ko na sa friday! Baka gusto mong um-attend?"
Tuesday pa lang ngayon. At saktong dinner naman natatapos ang pag-tutor ko sa abnormal. Sabado naman... so baka pwede ako sa friday? Malamang, kahit anong araw pa 'yan basta birthday ni Frances... hindi ako pwedeng mawala.
Galit lang siya kasi tuwing inaaya ako nito sa labas, I always reject her.
"Pupunta ako..."
Ngumiti si Frances. "Talaga? Sa wakas! Ngayon lang ulit ako nakarinig ng 'pupunta' galing sa'yo!" Asar niya sabay yakap sa'kin.
Natawa ako at niyakap siya. "Malamang, birthday mo 'yon..."
Si Frances ang unang nakipagkilala sa'kin noong first day. She is hella rich and a social butterfly. Medyo hindi siya pala-aral pero sabi niya, sa magka-kaibigan daw... hindi pwede magkasama ang dalawang matalino.
So she said, I am the smart and she is the pretty one.
I am not offended. She is really pretty, at maganda din ang ugali niya. Such an adorable! Hindi siya katulad ng ibang mayabang sa university dahil sa estado. At isa pa, hindi ako nabu-bully dahil... she is a daughter of General.
"Pupunta ka ha? I don't want any gifts but you! I will send you a dress too!"
"Hindi na kailangan 'yon--"
"No! Alam mo naman na kailangan 'yon!" She stomp her feet.
Wala akong nagawa kung hindi pumayag na lang, kasi kung hindi ay hahaba pa ang usapan.
Papalabas pa lang ako ng university ng makita ang malaking van sa harap. Pinagkakaguluhan iyon ng ibang estudyante. May artista na naman ba?
Gosh, sa tuwing naalala ko ang salitang artista, si Weiland na ang naiisip ko. Nakakabanas. Siguro ay dapat na ako manood ng TV para makakilala ng ibang artista!
Naglakad na ako pauwi, para makapagbihis at dumiretso na sa bahay ng mga Vegas. I was thinking what should I teach Weiland next. Maybe math? Oo. Mukhang hirap ang lalaking 'yo sa math.
Tinignan ko ang langit. Mukhang uulan pa. I need to walk faster. Bawal ako magkasakit.
"Adele!" Someone shouted.
Napalingon ako sa boses na 'yon at nakita si Weiland. Sa van... Iyong van na nasa harap ng school kanina!
I don't want to assume, pero ako ba ang hinihintay ng van kanina at ngayon--sinusundan niya?
Is this part of his seductive scheme? God, I hate him! Akala niya ba ay kikiligin ako sa simpleng pagsunod niya!?
Sumugod ako patungo sa van at tinignan ang maliit na awang dito, kung saan naka-usli ang mata ni Weiland.
"Ano na naman?!"
"I'm afraid I cannot attend our session today," Weiland told me.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito. "I'm afraid that I am not accountable for that too. Mr. Vegas is the one who will tell me if the session is on or not."
"Aish! May shooting kami," he reason.
Inirapan ko lang ito bago umalis sa harap ng van. Wala naman talaga ako sa posisyon para sabihin kung merong walang tutor today o wala. Si Mr. Vegas dapat ang kausapin niya tungkol diyan!
Ang baklang 'to. Ipapahamak pa talaga ako!
I was walking on the sidewalk--kaya hindi na kataka-taka ng biglang may humila sa'kin papasok ng van at tawang-tawa pa sa nangyari!
Habang ako ay kinabahan ng sobra sa bilis ng hila niya! Isang segundo lang ay nasa loob na ako ng sasakyan ng gagong Weiland na 'to!
"Did you see that!? Ang bilis lang niya mahila!" Si Weiland at wagas makatawa.
I glared on him. "Tangina mo. Isusumbong kita sa tatay mo."
"Ang lutong mo magmura eno. You look so soft and then... when you start to talk, para kang siga!" He chuckled.
Hindi pa rin ako makapag-isip ng maayos dahil sa nangyari kanina. My heart is just racing so fast because of nervous! Ikaw ba naman ang hilahin papasok ng van!?
"Ibaba mo ako!" Sigaw ko dito.
"Ayoko nga. Sabihin mo muna kay Dad that you're feeling sick. So he can cancel..."
Natawa ako sa ideya niya.
"Alam mo, ang sahol ng ugali mo."
Natawa ang driver sa harapan namin.
"Sir Weid, ito po ba 'yong sinasabi niyong babae na ayaw sainyo, pero pakiramdam niyo ay gusto rin kayo?" Natatawa na tanong nito.
"Trust me, Manong. I can get her... Kaunting suyo lang at mapapaikot ko siya sa'kin," he told his vicious plan.
He is really ridiculous! Ang kapal-kapal ng mukha niya!
"Alam mo sir, parang 'di ka gusto ni Ma'am..."
"Ay hindi po talaga, kuya. Alam niyo bang may saltik 'to?"
This time, si Weiland naman ang humalakhak sa sinabi ko.
"Manong, pakipot lang siya--" bago pa matapos sabihin ni Weiland ang sasabihin niya ay inilabas ko na ang phone ko.
Akala ba talaga niya ay hindi ko siya isusumbong?! I dialed Mr. Vegas phone number. Pero marahas itong tumayo sa loob ng van at pilit na inaabot ang phone ko!
Oh my god! Dinadaganan na niya ako! Natigilan ako sa paggalaw at ganon din siya. Nakataas ang kamay ko habang ang kanya ay inaabot ito. Nagkatinginan kami.
Because of that, he caught me off guard and snatch my phone away from me!
He smirked. "Sumbungera..."
Namula ako. Fvck naman! Bakit ako natulala ng ganon!?
"Kidnapper! Snatcher!" Ganti ko. "Ibaba mo ako dito! Akala mo hindi ko kayang tumalon dito?!" Pagwawala ako.
This is pissing me off! Pakiramdam ko ay namumula na ang aking mukha sa hiya at galit!
"Magkasundo na lang kasi tayo..." aniya at kinalikot ang phone ko. "Kailangan ko ng practice ngayon. Nasigawan ako ng director kahapon..."
I sighed. Ano namang pakialam ko kung nasigawan siya!? Dahil sa ginagawa niya, baka pag nalaman 'to ni Mr. Vegas ay sigawan rin ako ng bongga! Sumandal na lang ako sa upuan ng sasakyan. Once na makababa ako dito, sasabihin ko ang kabalastugan na ginawa sa'kin ni Weiland!
"Here," inabot nito sa'kin ang phone. "I sent a message to my father. Don't worry. Okay na," he assured then wink.
As if it is okay! Ayoko sa lahat ay ang nagsisinungaling! It feels so heavy in the heart!
I glared on Weiland before pulling my phone away from him.
"I will going to tell Mr. Vegas!" I threatened him.
Sumipol lang siya. "Okay lang. My Dad really hates it when someone take back their words... or a sudden change of mind..." Iling pa niya habang nakatingin sa kawalan.
Gusto ko itong sakalin sa inis ng makuha ang sinabi niya! Argh!
Tinignan ko ang message.
'Sir, hindi po ata ako makakapasok. Nilalagnat po ako... Thanks.'
What!? Thanks!?
"You can't just text him casually!" Tili ko sakanya. Now, I can't take this back! Sabi ni Weiland ay ayaw iyon ng tatay niya... at mukhang hindi naman siya nagsisinungaling!
"Chill. It's just my Dad!"
"Paano kung sesantihin ako ng tatay mo---"
"Edi maganda!"
"Isusumbong talaga kita!" I shouted on him. "Bakit mo ba kasi ako dinadamay sa kalokohan mo--"
May hinila itong mga papel. Mukhang script na naman. Argh!
"Idadamay talaga kita sa kalokohan ko hangga't ikaw ang tutor ko," aniya at binuklat ang script. Nagbasa na!
"Ibaba mo na ako dito! Ano pang gusto mo?!" Marahas na tanong ko sakanya.
Tumaas ang kilay niya at nilingon ako.
"Baka mag-sumbong ka talaga... so dadalhin kita sa set," he winked on me.
Napanganga naman ako sa sinabi nito. This is hopeless! I am so hopeless!
Pagkarating sa set ay naglatag ng driver ng isang upuan at table sa gilid para kay Weiland. Nagtaka naman ako at tinignan ang isang malaking tent kung nasaan ang ibang artista.
Teka, si Teresa Benedicto ba 'yon!? Hala, ang daming artista! Ang ganda ni Tere sa personal! Kahit malayo, ang liit ng mukha!
"Ito ba 'yong drama na sinasabi nilang ikaw ang second lead?" I asked him habang nakatingin ng maigi sa mga taong nasa loob ng tent.
"Yeah..." aniya at umupo.
"Teka, bakit ka nandito? Ayaw mo ba doon sa tent?"
Bakit ba dito siya tumambay sa lilim ng puno? H'wag mo sabihing uma-attitude na naman siya at piniling humiwalay... kasi maarte siya?
Napailing na lang ako sa naisip. Hays! Saltik talaga!
"Weiland!" Sigaw ng tao galing sa tent.
Biglang napatayo si Weiland. Mukhang kinakabahan at nagpa-panic.
In fairness, ngayon ko lang siya nakitaan ng ibang emosyon. Akala ko purong loko-loko at bastos lang na side ang makikita ko sakanya.
Lumapit sa'min ang staff. Medyo nagtaka ako ng samaan ako ng tingin ni Ate. Luh, attitude!
"Nagsama ka pa talaga ng alalay mo? Bakit? Sikat ka na ba?" Pang-iinsulto nito kay Weiland at tumawa.
Ano daw?!
Hindi ako na-offend sa alalay 'eh! Parang mas na-offend pa ako para kay Weiland! Hindi sikat? Eh halos sambahin nga siya ng mga kaklase ko! Tapos tatanungin kung sikat?
Nilingon ko si Weiland at tinignan ang reaksyon niya. I was waiting for him to be mad... but he is surprisingly calm?
"Hindi boss," I was expecting Weiland to be chaotic. O hindi kaya maging sarcastic, magwala... Pero hindi! He looks nice at parang tinanggap lang ang panlalait! "Pasensya na... Kailangan ko lang siya isama dahil sa personal reason..."
Tumawa lang ang staff. "Tss! Personal reason? Lakas maka-showbiz ha! Akala mo talaga!"
This is very offending! Ganito ba ang biruan nila sa showbiz? Hindi nakakatuwa ha!
Seryoso akong nilingon ni Weiland.
"You should go to the van..." Aniya. Mabilis akong tumango. Hindi ko gets ang staff but why is he so salty towards Weiland?
Maglalakad na sana ako paalis ng umangal ang staff na lalaki.
"Oh no! Maganda 'to para may kasama ka!" Iling ng staff? Kasama? Ako?
Nilingon ko si Weiland. He looks very unusual. Para na lang itong nagtitimpi. Talaga ba!? Si Weiland Vegas ay nagtitimpi!?
"Ibili mo kami ng kape," utos ng lalaki habang binibilang ang pera sa kamay.
My eyes widened. Inuutusan ba talaga nila si Weiland?! Hala!? Anong nangyayari!?
"Sige..."
Mas nagulat 'ata ako ng pumayag si Weiland ng ganon lang! Inabutan siya ng pera at pinagsabihan pa!
"Huwag tanga ha!" Tawa ng staff bago tuluyang umalis.
Habang ako naman ay tulala. Anong nangyayari? Weiland is always boastful and confident!
Kaya bakit parang kinakawawa siya ng mga tao dito? Nasaan na ang mayabang na si Weiland?