Kinabukasan ay nagising akong nasa harap si Weiland. Nakatayo lang ang lalaki sa harap ko at tinititigan. Anong ginagawa niya? “Saan ka?” Takang tanong ko dito. “I need to go to work…” Oo nga pala. He resigned of being an artist, pero ang pagiging boss ng kumpanya niya ay hindi. “Okay… Did you have your breakfast?” Wala sa sariling tanong ko. Tinignan ko ang orasan at nagulat na makitang maga-alas kwatro pa lang! “No… I will take care of that there,” aniya at umupo sa kama. Naamoy ko ang mabango nitong shower gel na pumasok sa ilong ko. He smells so nice! Habang ako ay amoy higaan pa din! Hinawakan ni Weiland ang pisngi ko. His warm hands make me want to fall asleep in his palm. “I’ll come back here…” Ngumiti siya sa’kin bago pumunta sa noo ko para halikan. Tumango-tango ako. “

