“Addison,” tawag ni Weiland sa anak. Yakap at alis ang ginagawa ni Weiland para tignan ang mukha ni Addison. Wei is obviously crying in delight. Nagpa-panic na tinignan ako ni Adi. Tinanguan ko lang ang anak at ngumiti—sinesenyasan siya na okay lang at wala siyang ginawa kay Wei. Natatakot na hinawakan ni Addison ang mukha ni Weiland. “Nako po, Kael… Ang galling niyo po talaga mag-drama…” Iyon ang sinabi ni Addison. Dahil doon ay muli kaming humalakhak at nagtawanan. Doon natapos ang lahat sa pintuan. Tingin niya talaga ni Addison ay binibigyan siya ng live show ni Weiland. Tinignan ko ang aking ina at si Leo na may munting ngiti sa labi nila. So this is how it will end, right? “Addison, halika muna dito,” tawag ni Mama kay Adi matapos ang yakap ni Wei. “Mag-usap muna kayong dalawa

