Imaculate's POV: "Imaculate, gising na! Papasok na tayo! Bilisan mo r'yan at baka mahuli tayo sa klase! Terror ang mga teachers dito!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sunod-sunod na katok ni Hillary sa pintuan ko. Tiningnan ko naman kung anong oras na, alas singko pa lang ng umaga eh ang pasok namin ay alas shete! Shete, naman oh! Hindi naman halatang excited ang babaita. Sisilay lang naman kay Cepherus, hay nako. Tinatamad pa nga rin akong pumasok. Kaso, kailangan na dahil para sa amin din naman ito. Antok na antok naman akong tumayo at binuksan ang pinto. Nagkukusot pa ako ng mata at humihikab. Nakita ko naman si Hillary na nakatayo rito sa labas habang nakabraid pa ang buhok at nakauniform na. Seryoso ba talaga ang isang ito? Sobrang aga pa jusmiyo! Isang linggo na rin niy

