Imaculate's POV: "Bakit ganito ang mga nakasulat dito sa libro Hillary? Pwede mo ba silang ipaliwanag sa akin?" Tanong ko. "Maiintindihan mo naman ang mga nakasulat sa libro basahin mo lang. Explore mo pa bawat pages." Sabi ni Hillary kaya napatango naman ako. Sinimulan na naming basahin ang librong napaka-kapal. Mga ancient sacred powers ang nakalagay rito, listahan ng mga malalakas na kapangyarihang pwedeng makawasak sa buong mundo. Kutob ba nilang ganito kalakas ang kapangyarihan ko? Totoo nga kayang ganito? Parang hindi naman ako makapaniwala. Parang napaka-imposible namang mangyari no'n. "Kasi iyang mga iyan, rare lang sila. Napakarare as in dahil bihira lamang ang mga nagkakaroon ng ganiyan. May isang imortal na ang nagtatangi ng isa sa mga kapangyarihang na r'yan sa libro. A

