Imaculate's POV: "Ahh!" "Ano Imaculate? Anak ka ng isang anghel at demonyo, tapos wala kang laban sa anak nang pinuno ng mga bampira? Stand up, b***h! Lakas ng amats mo rito hindi mo naman pala ako kaya! You are so weak!" Sigaw ni Moriah na nasa harapan ko. Kanina nang sumugod ako, hindi ko inaakalang mabilis siya. Sobrang bilis niya talaga. Mas malakas pa siya kaysa sa akin physically, taglay talaga niya ang katangian ng mga bampira. Hindi ko naisip na isa siyang bampira. Ano namang laban ko? Mortal pa ang katawan ko ngayon. Ni wala pa nga akong taglay na abilidad. Fast movement, enhanced senses at super strength. Iyan ang ilan sa mga kakayahan niya. Ano ang laban ng isang katulad ko? Pagkain niya lamang ako. Itinuon ko ang mga kamay ko sa lupa at lumuhod. Ipinikit ko ang mga m

