Imaculate's POV: "Alam niyo ba kung nasaan sila Cypher at ang mga kaibigan ko? Kakagising ko lang kasi, sana alam niyo." Tanong ko sa mga estudyanteng nakasalubong ko. Kakagising ko lang at naglalakad na ako rito sa hallway ng Academy. Mabuti na lang at walang bantay sa clinic kanina kaya nakatakas ako. Baka mamaya ay harangin pa nila ako at sabihing kailangan ko pang magpahinga. Kaya ko naman na, ayos na ang pakiramdam ko. Ramdam ko naman ang pagkailang nila sa akin. Parang kinakabahan pa sila habang kaharap ako. Hindi ko naman sila lalamunin pero parang gusto na nilang tumakbo. Bakit kaya? "G-Good afternoon po L-Lady Imaculate, n-nasa headquarters po y-yata kasama a-ang Seven Deadly Sins. B-Baka po nag-eensayo n-na sila." Sagot nitong babaeng estudyante at bahagyang tumungo bilang

