Imaculate's POV: "Imaculate, takbo! Tumakbo ka na!" Dahil sa gulat ay hindi kaagad ako nakatakbo. Mabuti na lang at nahigit ako ni Cypher, kung hindi ay natamaan na ako ng pana sa ulo. Ano ba ang kailangan sa amin ng Seven Commandments? At bakit talaga sa party pa nila napiling manggulo? "Imaculate, ang sabi ko tumakbo ka na! Ang kulit mo talaga!" Galit na sigaw ni Cypher sa akin. "Pero gusto kong tumulong-" "Sinabing tumakbo ka na nga! Magiging pabigat ka lang! Umalis ka na bilisan mo!" Putol ni Cypher sa sinasabi ko. Napaatras naman ako sa sinabi niya, alam ko naman pero hindi na niya kailangang ipamukha pa. Nasasaktan din naman ako. May emosyon pa rin ako hindi kagaya niyang manhid na yata sa lahat. Tinanggal ko na ang bracelet ko at hinagis sa harap niya. Ibinigay sa akin '

