DEIMOS "GOODBYE, insan. Magpaliwanag nang maayos. Iyong kapani-paniwala," natatawang sabi ni Grey bago tuluyang umalis. Hinarap ako ni Phobos. Niyakap niya ako. Hinimas niya ang likuran ko. Alam niyang nasasaktan ako sa mga narinig mula sa pinsan niya. "Halika na." Inabot niya sa akin ang kanyang phone. "Hawakan mo 'yan. Walang akong contact sa kanila. Itanong mo kay Mond sa school ang tungkol doon. Siya ang nagbukas ng box na iyon, siya ang gumamit ng bagay na iyon sa girlfriend niya." Bumuwag siya sa pagyakap at tinitigan ako. "Deim, I hope this time, maniwala ka pa rin sa akin. Mahal kita." Tumango ako. Pilit kong maniwala sa kanya. Panghahawakan ko ang salitang mahal niya ako. "Let's go? Huwag ka ng umiyak. Ang ganda mo pa naman ngayon." Inakbayan niya ako at nagsimula na kaming

