DEIMOS NAGISING ako sa gitna ng aking pagtulog. Madaling araw na at iyon ang sigurado ako. Bumangon ako at ininom ang tubig na inihanda ni Phobos kanina. Muli na akong humiga at sinubukang umidlip ngunit nahihirapan na akong makabalik sa pagtulog. Ang ginawa ko, bumangon na lang at pumunta sa balcony para lumanghap at magmuni-muni. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig ng hangin na sumalubong sa akin. Habang tahimik na tinatanaw ang iba't ibang kulay ng ilaw na nagmula sa mga matatayog na gusali, napatingin ako sa pool area. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita, lumulutang si Grey. Napatakbo ako sa baba para sagipin ito. Pagdating ko, agad akong tumalon. Pero laking gulat ko na siya pa itong mukhang nagtaka. "Ano ba, Deimos! Bakit ka nandito?" inis niyang tanong. Bumuntong hinin

