PHOBOS HEMATITE "INSAN," sambit ni Kuya Grey. The way he looks at me. Alam mong naaawa siya sa akin. Nandito siya sa bahay. Alam ko kung ano ang kailangan niya sa akin, makikipag-usap siya tungkol sa nangyari kagabi. Hindi kasi kami nakapag-usap nang maayos dahil kinain ako ng galit. Nawalan ako ng control. "Kuya," sagot ko rito. "Pag-usapan niyo na ang problema niyong dalawa. Ayusin niyo na 'yan," sabi ni Mama. "Pasensya na talaga, Tita," despensa ni Kuya. "Sige, iwan na namin kayo rito. Mag-usap kayo, bilang isang magulang, ang hinihiling ko lang sa pagitan niyong dalawa, kapayapaan. Tama na ang awayan. Nahihirapan na akong pumagitna sa inyo." "Sorry talaga, Tita," ani Kuya. Niyakap pa niya si Mama. Bumuntong-hininga ako. Kailangan ko na bang tanggapin ang lahat? Pati ang magulan
ดาวโหลดโดยการสแกนรหัส QR เพื่ออ่านเรื่องราวมากมายฟรี และหนังสือที่ได้รับการอัปเดตทุกวัน


