DEIMOS DALAWANG linggo na ang lumipas nang may nangyari sa aming dalawa ni Grey. Matapos ang araw na 'yon, hindi muna ako nagpakita sa kanya. Nagkulong lang ako sa kuwarto at iniisip ang posibleng mangyari. Nag-aalala na sina Mama sa akin pero wala akong ni isang salitang sinabi sa kanila. Hindi ko alam kung paano sisimulan. Nahihiya ako sa nagawa ko. Nandito ako sa kuwarto, nagpapahinga. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko lalagnatin ako. Masakit ang ulo ko. Habang minamasahe ko 'to, napabangon ako bigla sa higaan nang maramdaman kong nasusuka ako. Tumakbo ako papunta sa banyo, pero hindi na ako nakaabot doon. Sumuka ako sa sahig. Nang inangat ko ang ulo ko, muli na naman akong sumuka. Sinubukan ko nang tumayo at hinayaan lang muna ang nagkalat na suka sa sahig. Nang makatayo n

