DEIMOS "DEIM, tama na 'yan. Lasing ka na," sabi sa akin ni Grey. Nahihilo na ako, pero kailangan kong magpakalasing para makalimot. Humagulgol ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ang sakit dito sa puso ko. Umasa ako, umasa akong hindi na siya makipagkita kay Virginia para sa akin. Pero nandoon siya sa bahay ng babaeng iyon. Nagpakasarap. "Please, Grey. Hayaan mo muna ako. Samahan mo muna ako rito, mag-inuman pa tayo." "Oo, na... Pero text mo muna ang pamilya mo, baka mag-aalala sila. Sabihin mo, nandito ka sa bahay namin." Tumango ako sabay lagok ng beer. Matapos kong magpaalam kina Mama, tinabihan ako ni Grey. Nandito kaming dalawa sa balcony niya, nag-iinuman. Tatlong bote na nga ang naubos ko habang siya, mga lima. Hindi pa kasali riyan ang ininom niya kanina. "Deim?" sambit

