DEIMOS ISANG taon na ang lumipas pero mapahanggang ngayon, bitbit ko pa rin ang sakit na ibinigay ni Phobos sa akin. Ang ginawa ko lang para mapawi nang kunti ang sakit, hindi ko na binuksan lahat ng social media accounts ko. Nakarating sa pamilya ni Phobos ang nangyari sa amin nang araw na nalaman ko ang lahat ng panloloko nito sa akin. Alam kong kahit sila ay hindi matanggap ang nangyari sa amin. Lalo na si Ate Carla na palagi akong pinupuntahan dito para kumustahin. Nagmamakaawa rin siya sa akin na balikan ko ang anak niya. Pero buo na ang desisyon ko. Ayaw ko na. Sapat na sa akin iyong nakita ko sa larawan na magkatabi silang dalawa na hubo't hubad. Humugulgol ako nang muling maalala ang araw na iyon. Napakasakit! Hindi ko matanggap na magawa akong saktan ng lalaking mahal ko. Naniwa

