DEIMOS NAKUHA ko na ang dahilan kung bakit naparito ako. Ang sagot sa mga tanong sa isipan ko. Kumpirmadong nagbabalat-kayo ang babaeng pinagduduhan ko. Pero wala akong nakuhang ebidensya na maipapakita sa kasintahan. Sa sobrang bait ng taong iyon, malamang hindi niya ako paniniwalaan kapag wala akong maipapakita sa kanya na totoo ang sinasabi ko. Ang dapat ko munang gawin, pansamantalang ilihim ang lahat ng nalalaman ko sa kanya. Nandito ako sa loob ng kuwarto ko sa hotel, iniligpit ko na ang lahat ng mga gamit ko. Uuwi na ako roon sa bahay ni Phobos. Namiss ko na siya at gusto ko siyang makasama. Oras ang lumipas, nasa harapan na ako ng mansion nila. Pinindot ko ang doorbell. Nang marinig kong may yabag ng paang paparating ay nagtago ako sa gilid. Napangiti ako habang kumakabog nang

